Nakita kita sa magkaibigang nag-unahang magbayad ng pamasahe sa jeep. Nalasahan kita sa lutong adobo ni Nanay. Narinig kita sa awiting ipinamalas ng choir sa simbahan. Naramdaman kita sa sugat na natamo ni Kuya sa pagliligtas sa alagang si Bantay. Naamoy kita sa rosas na ibinigay ng manliligaw ni Ate.
Kilig, pintig, kuryente, kidlat, tibok. Ikaw nga, Pag-ibig!
Saan man, kailan man, ang kapangyarihan mo ang bumabalot sa sanlibutan. Mula sa unang sinag ng araw hanggang sa pagngiti ng buwan, lahat ay sumisimbolo ng iyong kahulugan. Napakalawak ng impluwensya na di kayang ikahon maski ilang libong salita.
Upang ilahad ang kasaysayan. Bigyang katuwiran ang digmaan. Gawing makatotohanan ang pelikula. O ang pagbaba ng Bathala sa lupa.
Kung tutuusin, mahiwaga, malalim at sagrado ang tunay nitong kahulugan. Bawat isa ay may sariling interpretasyon batay sa karanasang idinulot nito. Ekspresyon o pagpaparamdam, hindi depinisyon ang mahalaga.
Sapagkat ang pag-ibig ay regalong ibinigay sa atin simula pa lang sa sinapupunan ng ating ina. Regalong dapat na ipinamamahagi sa mga taong nakapaligid sa atin. Ito ang tanging paraan para mas maunawaan natin ang tunay nitong kahulugan. Katulad niya’y isang di-natutuyong balon kung saan lahat ay may ga-patak na tubig para ipainom sa mga nauuhaw at napapagal.
Unang ibahagi mo ang pag-ibig sa iyong sarili, pagyamanin ang anumang kakayahang taglay mo. Walang limitasyon. Ipamudmod mo ito sa iyong pamilya upang balutin ng respeto at di-mapipigtal na ugnayan ang bawat miyembro nito. Walang kondisyon. Itanim mo ito sa iyong pamayanan, sa paaralan at simbahan upang maging daan ng pagkakaisa. Walang alinlangan. Isunod mo itong ipunla sa iyong bansa at ipangalandakan ang iyong pagmamahal saan mang panig ng mundo.Walang kapalit. Higit sa lahat, ibalik mo ito sa Dakilang Lumikha sapagkat siya ang pinakaugat ng ganitong damdamin. Walang katulad.
Luha, tula, ngiti, awit. Buhay. Kamatayan. Simula at wakas.

Nakita kita sa magkaibigang nag-away sa jeep kahapon dahil sa isang lalaki. Nalasahan kita sa luhang nasahog sa puto ni Nanay nang maghiwalay sila ni Tatay. Narinig kita sa hagulhol ni Kuya nang patayin nila si Bantay dahil naulol ito. Naamoy kita sa hininga ng bagong silang na sanggol ni Ate. Naramdaman kita kanina nang maranasan ko ang unang halik mula sa matagal nang iniibig.
Buhay ka, Pag-ibig!!!




J. Kulisap
Agosto 6, 2010
Buhay ka pag-ibig. Humihinga, nakakasalamuha.
Sa kalawakan ng iyong interpretasyon, wala ng depinisyon dahil tama ka..dinadama ito.
Boss, salamat na muli. Ipinahahatid ko ang mainit kong yakap sayo, free. Express delivery.
lipadlaya
Agosto 6, 2010
ikaw ang me pakana kung bakit inlab lahat ngayon mga blogger hehehe…. salamat muli,,,,
-=cuteberl=-
Agosto 6, 2010
2nd base. mamaya ko na babasahin
lipadlaya
Agosto 6, 2010
sige lang po,,, hehehe. naninibago ako sa mga base base na yan,,, hehehe
salbehe
Agosto 6, 2010
Ang galing. Buhay. Kamatayan. Simula at wakas. Parang Yin at Yang. The good and the bad.
lipadlaya
Agosto 6, 2010
hehehe. bawat anggulo ng buhay, andun ang pag-ibig…. damhin natin bawat oras…
Lambing
Agosto 6, 2010
lagi ko naririnig yang pag-ibig na yan.. at ngayon nababasa ko rin kahit saan haha
love is in the air talaga
pasinghot ng pag-ibig
padaan po
lipadlaya
Agosto 6, 2010
oo nga,, parang inlab lahat ng tao ngayon,,, hehehe. sige po daan daan lang….
kaye
Agosto 6, 2010
Very nice post! ang pagtingin at pagdama sa pagibig ay di lamang sa mala-rosas na pangyayari sa buhay, ngunit pati na rin sa mga malulungkot na pangyayaring nagpapahiwating ng pagmamahal pati na rin ang pagkawala nito…
lipadlaya
Agosto 6, 2010
indeed. ipadama natin kahit kanino yung love na yan, sa sarili, sa family o sa friends man….
taga-bundok
Agosto 6, 2010
Naalala ko tuloy ang unang alaga kong aso. Kung paano binigti at kinatay. Simula nun di na ako kumain ng kauri ng bantay.
lipadlaya
Agosto 6, 2010
iba kasi yung love na binibigay ng mga alagang hayop e. loyalty talaga. salamat sa pagbisita…
Joyo
Agosto 6, 2010
love is everywhere!
lipadlaya
Agosto 6, 2010
yes,,, parang valentines day yung challenge sa atin ni kulisap, hehehe
superlolongpinoy
Agosto 7, 2010
Pabisita . Ayos ito….at sa iyong mga sinabi katulad nito…”Ekspresyon o pagpaparamdam, hindi depinisyon ang mahalaga.”
lipadlaya
Agosto 7, 2010
sige lang, tuloy ka sa bahay ko,,, ang mga super lolo ay welcome na welcome dito…
jex009
Agosto 7, 2010
maganda ang akda mo ^^
lipadlaya
Agosto 7, 2010
love is in the air!!! woot woot
Pong
Agosto 7, 2010
you never fail to deliver beautiful post sir.
higit salahat pahalagahan ang pag-ibig na bigay ng lumikha dahil siya mismo ay pag-ibig
be blessed sir!
lipadlaya
Agosto 7, 2010
this comment made my day, really! sarap mag blog pag ganito narereceive na comment.. hehehe
Pong
Agosto 8, 2010
walang anuman sir
pwede po ba kitang i-add sa link?
kahit naman po nung last kontes kasama ka sa top five ko ehehe ngayon din kasama ka ahahahah
lipadlaya
Agosto 8, 2010
ganun ba? salamat ulit. oo naman… add din kita a…
roomboy1987
Agosto 7, 2010
NAMARKAHAN KO NA
sakto ang lahat sa gawa mo, una dahil ito ay sanaysay at hindi kwento
ipaglalaban kong ikaw dapat ang manalo
lipadlaya
Agosto 7, 2010
tats naman ang sinabi mo, salamat. ano ba grado ko? hehehe
jongskie721
Agosto 7, 2010
Naramdaman kita kanina nang maranasan ko ang unang halik mula sa matagal nang iniibig.–>feel na feel mo talaga
ako din eheehhe
lipadlaya
Agosto 7, 2010
syempre naman,,, hehehe first kiss yun e…
kuhracha
Agosto 7, 2010
gusto ko itong gawa mo. malinis. swabeng swabe.
lipadlaya
Agosto 7, 2010
hehehe. salamat. malinis na labang tide ba? hehehe
kayedee
Agosto 8, 2010
“naramdaman sa unang halik sa matgl ng iniibig” shaks! ang sarap nun! ehehe. amm napaicp aq, kelan q kya huling naramdman at nakita to?? hmmmm.. ah! last month lng! nung bday q ahihihi..
nice one!
lipadlaya
Agosto 8, 2010
hehe. masarap talaga yun lalo na pag love na love mo yung isang tao…. woot woot…
sunnystarfish
Agosto 8, 2010
Maganda ang pagkakasulat, may laban. Diretso kung umatake, sapul na sapul…
lipadlaya
Agosto 8, 2010
Lahat tayo may laban dito… Ang laban natin, iparamdam sa mga taong nasa paligid natin ang pag-ibig na yan… Laban, GO!
Len
Agosto 8, 2010
ayus, ganda ng pagibig!
lipadlaya
Agosto 8, 2010
ayus,, kasingganda mo, binibining len… hehehe…
metaporista
Agosto 8, 2010
smooth sailing ang daloy ng titik. Love is everywhere nga naman.
lipadlaya
Agosto 8, 2010
exactly, just use our senses, ika nga… everywhere lalo na sa blogosphere….
aninipot
Agosto 9, 2010
pinahanga na naman ako sa pangalawang pagkakataon, ang linis mong magsulat..basta1 magaling ka…
lipadlaya
Agosto 9, 2010
kakataba naman ng puso… salamat po a… dagdak kita sa blogroll ko a… tenchu….
Frankie
Agosto 9, 2010
Wow tlaga nmang pag-ibig oh… Bkit bah hindi ka mawawala sa isipan ko… Pwede bah lau-an muna ako… Nkaka seduce ka eh subra kasing sarap mo….
-
Nakikiraan lng po.. Pde maki friend pa add nman sa blogroll mo sya nga pala na add na kita sa friend list ko… ThNx….
duking
Agosto 9, 2010
ang ganda.nakatago ang pag ibig sa kapayakan ng mga bagay.ginagawa lang natin itong komplikado kung minsan.anu’t anuman,iyon pa rin ay pag ibig.
kahanga-hangang akda.
lipadlaya
Agosto 9, 2010
oy, nagustuhan ng isa sa mga asteeg na blogger… salamat po… nakita ko rin ang gawa mo… wala kang kakupas-kupas…
J. Kulisap
Agosto 10, 2010
Palong palo.
Salamat sa iyong marka.
lipadlaya
Agosto 10, 2010
hehe. Nahirapan akong maging objective. Kasi naman, me mga baguhan na bloggers na mas umangat sa mga idolo kong bloggers…. yun lang,, hehe..
yiN
Agosto 10, 2010
NADAAN SI YIN. NAGBASA. NAGHANAP NG KAPE. KULISAP MAGBABAYAD KA NG MAHAL. DALHIN MO KO SA TUKTOK NG SUSONG DALAGA.
NA-RATE KO NA. DI NA KO KOKOMENTO.
(GANITO LAHAT NG KOMENTO KO SA ENTRIES. ANG IMPORTANTE MABASA AT MAINTINDIHAN KO YUNG KUWENTO AT MA-RATE NG MAAYOS AT MATAPOS BAGO AKO HIMATAYIN SA GUTOM, HAHAHA)
lipad. Yin. hehe. padaan po.
lipadlaya
Agosto 10, 2010
pinahirapan talaga tayo ni Jkul… gudlak sa lahat…
Sows
Agosto 10, 2010
huwaw. inlababo lahat.
lipadlaya
Agosto 10, 2010
hapi valentines… hehehe
lipadlaya
Agosto 11, 2010
LIVE LOVE LAUGH.. wink wink
Benh
Agosto 10, 2010
Galing!
arnie
Agosto 11, 2010
panalong panalo…hehehe
isa sa peborit ko ang post mo…galing!!
lipadlaya
Agosto 11, 2010
salamat… panalo tayo lahat sa pakulo ni jkul…
simplysaycheese
Agosto 11, 2010
Ikaw na!
(yun lang hehe bitin yung comment ko)
lipadlaya
Agosto 12, 2010
hehe, ikaw na,,, PAG-IBIG!!
J. Kulisap
Agosto 14, 2010
Sir.
Hindi ako nagsasawang basahin ito.
Bawat punta ko, naiibigan ko ito.
Salamat
lipadlaya
Agosto 15, 2010
salamat, sir jkul. nanghihinayang pa rin ako,,, di ako maka move on.. hahaha.
leemi
Agosto 29, 2010
buhay ka Pag-ibig..
**ang galing mo talaga magsulat.
lipadlaya
Agosto 29, 2010
salamat, ms. leemi. touch naman ako,,,,
buhay na buhay talaga ito. ang kailangan lang natin ay ipakita ito sa lahat ng nakapaligid sa atin.
Pilosopo Tacio
Setyembre 14, 2010
kahit kelan talaga hindi nawawala sa uso ang kwentong pag-ibig…lumalovelife oh.hehe
lipadlaya
Setyembre 16, 2010
Oo naman, yan ang pinakamagandang topic, pinakamasarap isulat. salamat sa pagdalaw..
sasaliwngawit
Enero 13, 2012
hello, lipadlaya,
ang naiibigan ko sa iyong sulatin ay hindi lamang ang lalim at lawak ng nilalaman kundi maging ang magaang paghawak at paghabi mo ng mga salita para ihatid ang isang mabining mensahe.
tunay na ang pag-ibig ay isang frame of mind, a way of viewing the world, ‘ika nga. and one feels it in the smallest happy or sad details of human life. sometimes one feels it flowing thru or slipping away. no matter, it’s one of the things that make the world go round, sabi.
maligayang bagong taon… ^^