Gulay at Guro

Posted on Hulyo 23, 2009

0


Madalas kong ihambing ang mga propesor sa pagkain ng gulay. Meron kasing mga cool na gulay at masarap talagang kainin tulad ng sitaw, kalabasa, pechay at munggo. Tulad din ng pagkakaroon ng mga guro o propesor na cool, madaling lapitan at mahusay magturo. Pero meron din namang ampalaya at mga okra na kahit mapait at kakadiring kainin, ay kailangan ng katawan natin dahil sa sustansyang dulot nito sa ating katawan. Dahil tulad ng mga gulay na nabanggit, ang mga terror at weird na teacher ay kailangan din  nating pakinggan at sundin sapagkat nasa kanilang mga kamay at trip o mood nila kung singko, uno, tres, bagsak o pasado ang ilalagay nila sa classcard natin. (Sige na nga, sa pagsisikap at pag-aaral na rin natin!)

Kasi, aminin man natin o hindi, aksidente man o sinasadya, nasa libro man o wala, oras man ng klase o breaktime, ay may mga aral din tayong makukuha sa kanila. Iyun ay depende sa kayang tanggapin ng ating pagkatao o kayang iproseso ng ating mga utak. Talo ka kung wala ka man lang napala sa oras at perang iginugol mo sa pakikinig sa kanila..

Isa sa mga dapat nating gawin: Ang manalangin na huwag naman sanang isang bandehadong ampalaya ang bubunuin mo sa loob ng isang taon… Talagang mapait ang buhay-estudyante mo pag nagkataon..

Posted in: Kwentong Chalk