LABAN

1. sanga-sangang landas, pighati at bako

tigib ng pagluha at lipos ng dugo

walang tangang armas, ni punyal o bala

dahil ang sarili mo ang siyang nakataya.

2. ikaw nga’y maglayag sa dagat ng buhay

ang hampas ng alon ay may puwersang taglay

h’wag kang palulunod sa lalim ng dagok

lumangoy, sumagwan sa laro ng agos.

3. manapa’y maglakbay may apoy sa dibdib

tuntuning maiigi bundok na matarik

mabigo, madapa kahit ilang ulit

huwag mong indahin ang sugat at sakit.

4. at mangyari mang ngang ikaw’y nag-iisa

pagal ang katawan pati kaluluwa

saan nga ba ikaw kukuha ng lakas

upang masilayan ang ganda ng bukas?

5. magbaon ng giting may dasal sa bulsa

magsunong ng sikap bitbit ang pag-asa

talino at galing kalakip ay tiyaga

matitikman mo rin sarap ng nilaga.

6. sapagkat ang buhay ay isang digmaan

sa bawat panahon ay may tunggalian

pakinggan ang tinig mula sa ‘yong puso

laban, laban, laban, huwag kang susuko!

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s