The Untold Story of Adam and Eve At Kung Bakit Itinataas ng Aso Ang Isa Nitong Paa Kapag Umiihi

Isa sa pinakamemorableng prof ko noong college ay yung prof ko sa Rizal Works and Writing.. Kwela kasing magkwento yung prof ko. Kumbaga sa palabas sa tv, siya yung commercial, hehehe. Pangtanggal ng stress sa buhay-estudyante. Pang balanse sa demands at projects ng ibang magigiting na propesor.

Ang sunod kong kwento ay base sa lesson namin sa kanya.

Pumasok siya sa classroom namin na parang problemadong problemado. Malalim ang iniisip at parang natutulala. Tinanong ng klase kung bakit siya ganun. At ang isinagot niya ay ang nakagigimbal na katotohanan daw ng buhay. Iyun ay kung paano tatanggapin na walang kwenta ang mga babae. Syempre, nabigla ang buong klase namin lalo na ang mga lahing Gabriela. Pero tulad ng isang de kampanilyang abogado, Logic lang daw. Madali lang daw ipaliwanag ang lahat. Alin daw sa dalawa: Nakalimutan ng Diyos na gawin ang babae sa simula o Plano Niya talagang huwag likhain ang babae..

Kung ang unang dahilan ang kakatigan, masisira ang pagkilala natin sa Diyos bilang Perpektong Diyos. Hindi Perpekto ang pagiging Makakalimutin kaya dapat isantabi ang dahilang ito. Kung ganon, Plano talaga ng Diyos na hindi likhain ang babae. Ngayong panahong ito’y alam na natin kung bakit, hehehe. Pero ano nga ba ang totoong kwento? Ang totoong bersyon ng Creation ay ibinalita sa kanya ng mga anghel sa kanyang panaginip.

Ikinuwento niya sa amin ang una hanggang ikapitong araw ng paglikha ng Diyos. Wala namang ipinagkaiba sa mga dati ng itunuro ng mga teacher natin sa religion. Nilikha ng Diyos ang liwanag at dilim, ang lupa, karagatan, mga puno at mga halaman. Ang mga hayop ay mahusay niyang dinesenyo. Magkapares. Babaeng hayop at lalaking hayop. May ideya siya siguro sa pwedeng gawin ng babaeng tao sa mundo kaya ang nilikha niya lang ay isang LALAKING TAO. Isang makisig at matipunong si Adan. Maayos na ang lahat. Inihabilin niya na sa kanya ang lahat ng kanyang nilikha.

Ngunit, di nagtagal ang kaayusang iyon sa daigdig. Nabatid ng Diyos ang kaguluhang nangyayari sa daigdig kung kaya inutusan niya ang kanyang mga anghel upang mag imbestiga ala Mike Enriquez. At hindi nga nila tinantanan ang naturang kaso. Kuhang kuha sa video na pinagkakaguluhan ng mga babaing unggoy, gorilya, aso, pusa at kung anu ano pang hayop si Adan. Lahat sila ay nabighani sa kanyang kaguwapuhan. Ito ang dahilan kung bakit naitala ang kauna-unahang welga sa mundo at ito’y pinangunahan ng mga lalaking hayop. Lahat sila’y nagsulat ng karatula na humihingi ng kapartner ni Adan upang di sila iwanan ng kani kanilang gelpren. Me nakakita din daw ng karatulang Gloria, RESIGN at OUST GMA!

Agad na gumawa ng aksyon ang Diyos. Nagkaroon ng kauna unahang Collective Bargaining Agreement. Walang nagawa ang Diyos kundi igawa ng partner si Adan upang maiwasan ang kaguluhan. Muli niyang pinatulog si Adan at nang ito’y mahimbing na ay kumuha ng isang tadyang sa di man lang nagigising na si Adan.

Muli siyang gumawa ng siga upang hulmahin ang babaeng tao. Inilagay niya ang tadyang sa isang tabi habang gumagawa ng siga. Ngunit hindi niya namalayan na nakita pala ng aso ang naturang tadyang.Tinangay ng aso ang tadyang! Gayon na lang ang galit ng Diyos kung kaya hinabol niya nang husto ang naturang aso, Habulan sila ng habulan. Sa gubat, sa halamanan hanggang sa nakorner ng Diyos ang aso sa bangin, Alam ng aso na sukol na siya kung kaya naisip nitong tumalon sa bangin. Lumundag ang aso sa bangin ngunit nahagip ng Diyos ang isa nitong paa sa likuran. Napasigaw ang aso sa sakit. Nabitawan niya ang tadyang at tuluyang nahulog sa bangin. At dahil bagong likha palang ang aso, napigtas ang paa nito sa likuran. Nahulog ang aso sa bangin kasama ang tadyang. Naiwan sa Diyos ang paa ng aso. Alam na natin ang sumunod na nangyari. Nakalikha ang Diyos ng partner ni Adan.

Tungkol sa aso? Pinatawad ng Diyos ang aso at hindi maatim na makitang tatlo lang ang paa nito. Naawa siya dito kaya muli siyang gumawa ng paa ng aso mula sa mga natuyong dahon ng puno. Ayos naman at walang kakaiba. Pero natanim sa isip ng aso, na ang isa niyang paa sa likuran ay mula sa natuyong dahon ng puno. Iyan ang dahilan kung bakit itinataas niya ang kanyang paa kapag umiihi.

At yan daw ang totoong kuwento ng paglikha ng Diyos sa babae.

Advertisements

8 thoughts on “The Untold Story of Adam and Eve At Kung Bakit Itinataas ng Aso Ang Isa Nitong Paa Kapag Umiihi

  1. ginawa niyang babae ang paa ng aso? and? ano ini imply dito? na asal aso ang babae? at hindi talaga sa tadyang ng lalaki nanggaling ang babae ganun?

    ayos ang ganda ng kwento. pabasa ko kaya to sa prof kong feminist. hehehe

    1. hahaha. tawa nga ng tawa yung klase nung ikwento to ng prof namin…

      pero mapapaisip ka rin, bakit nga ba hindi isinabay ni God si Eve nung likhain niya si Adam?

  2. ayos. ngaun ko lng nabasa. adik ng prof mo kuya.. hehehe

    tingin ko kc ginawa ni Lord si Adan na wangis Niya. kung ikaw nga ayw mo ng my kawangis ka, si Lord pa kaya? hehehe

    nice post kuya…hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s