Supernanny

Posted on Hulyo 26, 2009

1


Can’t wait to be a parent… eto ung madalas kong reaksiyon sa tuwing nakakapanood ako ng Supernanny. Iniisip ko tuloy kung kaya ko bang disiplinahin yung mga anak ko o mapipilitan akong ilagay sila sa sako at iligaw sa likod bahay naming puro tubo? Baka naman ibitin ko sila nang patiwarik o kaya ilublob sa dram na puno ng tubig. Pero malamang bago ako umabot sa puntong ganito ay tatawagin ko na ang tagapagligtas ng mga delingkwenteng magulang. It’s a bird! It’s a plane! No, It’s Supernanny!!!! (Puteek… ang corny)supernanny by dailymail.co.uk

Sa mga hindi nakakapanood ng tv show na ito, ang Supernanny ay reality show sa UK na may layuning makatulong sa mga magulang na nahihirapang magdisiplina ng kanilang mga anak. Medyo pasaway kasi ang mga bata sa UK e. When i was there last week, you know (shut up na ba?). Anyway, yun nga. Mula sa pagiging hyperactive na bata, ayaw matulog, ayaw kumain, me problema sa komunikasyon, malutong magmura ng F#$^^$#^&, walang respeto sa parents, autistic at kung anu-ano pang mga problema sa pagpapapalaki ng mga bata… may solusyon si nanny Jo Frost.

Ganito ang takbo ng show:

Sa simula ay parang invisible nanny muna siya habang itinutuloy ng subject family ang ordinaryong araw nila. Ito ang paraan niya upang makalap ang mga behavioral information hindi lang ng mga bata pati na ang paghawak ng mga parents sa mga sitwasyon. Pagkatapos noon ay mahusay niyang naipaliliwanag ang core problem ng pamilya na minsan, ang problema ay wala naman sa mga bata kundi nasa magulang din mismo. Mula sa pag-uusap, bubuo sila ng rules na dapat sundin ng bawat miyembro ng pamilya. Compromising. Positive reinforcement. Time management. Sa ending, another satisfied customer ang magiging drama na natural lang siyempre sa mga reality show. Abay kung hindi, baka isang episode lang e wala na sila sa ere.

Aliw ako sa show na ito dahil lumalabas yung ilang mga natutunan o nadiscuss namin sa Behavior Modification na subject sa college. Pinapaalala ko lang na Psychology Grad ako, hehehe. Asteeg nga e. Para akong nagrereview. At para na rin akong tatay na kasali sa seminar na How to Raise Your Child. Totoo naman kasi na the child is the father to the man. Nature and nurture. It’s not only genes which shape the personality of a person but also its environment. Tunog Erikson ba?

Hindi ko rin maiwasang balikan yung mga panahong pinalalaki kami ng nanay at tatay ko. Ano kaya ang sasabihin ni Supernanny sa nanay ko kung makita niya kaming sunod-sunod ang edad? Mawiwindang siguro siya kung sino ang uunahin. Yung kapatid ko bang umiiyak sa gutom, o yung nag-aaway sa tansan, o yung natatae kong kapatid o yung humihingi ba ng piso? Ano kaya ang iaadvise niya kapag nalaman niyang umiihi pa ako sa papag sa gabi kahit grade 1 na ako? Pero kung sabagay, lumaki rin naman kami na maayos at may kaunting disiplina. Iyun lang pag-ihi sa kama ang problema ko ngayon. (joke)

Sa kabuuan, maayos na nailalahad ng naturang reality show ang tunay nitong layunin. Ang makatulong at makapagbigay liwanag sa mga magulang na nalilito at nade depress sa kalagayan at kakayahan nila na magpalaki ng mga anak. Truly enlightening and highly informative for giving techniques for behavior modification. It’s not only the subject family which receives the knowledge and know-how about family values, but most importantly, the viewers.

Kaya sa Supernanny, five stars ang gradong ibinibigay. Hmm.. teka lang, tanungin ko nga yung beb ko kung kelan ba kami magbe baby….hehehe. Next time na lang ulit.

——
pic from dailymail.com