Mga Tanaga Para Kay Cory

INA
Sa yong sinapupunan
Kalayaan ‘sinilang
Pinakikinabangan
Ng buong Sambayanan.

ROSARYO
Bawat butil ng buhay
Panalangin ang alay
Armas sa bawat laban
Maykapal ang sandigan.

MANDIRIGMA
Pinakita mong tapang
Sa lahat ng digmaan
Sa historya ng bayan
May ningning ang yong ngalan

DILAW
Ang kulay nitong araw
Ay tulad ng ‘yong puso
Pag-asa ka at ilaw
Sa gabing may siphayo.

Bayani
Ang tunay na bayani
Hindi sukat sa laki
Nasa puwesto o wala
Tumutulong sa kapwa

PAALAM
Tapos na ang yong laban
Dito sa sanlibutan
Sa Langit ay may ngiti
Si Ninoy ang babati.

Corazon Aquino Salamat, Cory!!!

Advertisements

6 thoughts on “Mga Tanaga Para Kay Cory

  1. shea, kakagaling ko lang sa bahay mo…

    oo, batanggenyo rin po… si joyce ba si lady in …. ruffles ba yun?

    nagcomment ako dati sa kanya pero din niya ko pinansin, hehehe

    1. hmmm. sabagay nga, di ko alam kung nag-iwan ako ng link dun.

      nwei, kakadaan ko lang dun. at nag-iwan na ko ng link… dami niya posts about cory, hehehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s