BAGONG MUSIKA

Posted on Agosto 5, 2009

2


Isa sa pangarap ko sa buhay ay matutong maglapat ng chords sa mga kunwa-kunwarian kong kanta… O kaya makakilala ng tulad ni Ryan C, o kahit ni Ogie man lang… hehehe…

Bad trip kasi, ako lang yung nakaka-appreciate nung mga kanta ko. At sa banyo ko lang talaga kinakanta. Para solido ang boses. Parang tumatae lang.

So here’s another kantang hilaw:

BAGONG MUSIKA

Kaibigan, natanong mo na ba ang ‘yong sarili
Ano ang yong kahulugan? Ano ang ‘yong silbi?
Di mahalaga kung sa’n ka nanggaling
Dapat mong malaman, dapat mong isipin
Kinabukasan mo’y san ka dadalhin?

Ikaw ba’y isang dahong sa hangin ay papatangay
O isang batong uukit ng bagong agos ng paglalakbay
Kung alam mo na ang kasagutan
Batid mo na ang ‘yong kahulugan
Bitbit ang gitara ko
Sama tayong sisigaw

Chorus:
Kami ang bagong musika, ang bagong awitin
Magkukulay ng buhay sa bagong mundo natin
Kami ang bagong tinig, bagong himig
Na aawit sa ating daigdig, Oh oh oh

Kaibigan, wag kang papadaig sa mga pagsubok
Matutong lumangoy at wag palulunod
Di mahalaga kung panalo o talo ka
Dapat mong isipin, dapat mong malaman
Sa laro ng buhay, pa’no ka lumalaban

Ikaw ba’y alikabok na puwing ng lipunan
O buhanging sasama sa pagbuo ng pangarap
Kung alam mo na ang kasagutan
Batid mo na ang ‘yong kahulugan
Bitbit ang gitara ko
Sama tayong sisigaw

Repeat Chorus

Posted in: Kantang Hilaw