Makulit Si Ako

College. Babae ang bestfriend ko nun. At close talaga kami dahil parehas kami ng mga trip sa buhay tulad ng panglalait sa mga classmate at hmmmm, ano pa nga ba… wala na ko maisip. (saka ko na lang ikwento kung bakit kami naging magbestfriend.) Minsan, trip namin kunwari, magsiyota kami na nagsisigawan at nag-aaway sa loob ng jeep. Minsan naman, kinatok namin yung isa naming klasmeyt na nagboboard para mangutang. Yung rason namin nagtanan kami, hehehe.

Pero matindi yung tama namin sa ulo kaya pati adviser namin sa isang org e hindi namin pinalagpas. Ganito yung eksena. Magsiyota na naman kami. Buntis yung bespren ko at gusto naming ipalaglag yung bata dahil hindi pa kami handa sa ganung responsibilidad. Dalang-dala namin yung role, hahaha. At syempre, nangungutang na naman kami para pampalaglag ng bata. (Mahilig talaga kaming mangutang, hehehe).

Yung adviser namin, seryoso talagang nagbigay ng payo. Kaya niya daw kaming pautangin pero hindi siya papayag na ipalaglag namin yung bata. Pero ang di namin inaasahan, siya naman yung nagkwento sa amin ng problema niya nung mga panahong iyun. Buntis din pala yung gf niya, at eto pa, anak ng dean namin yung gf niya. Kamusta naman, hehehe… Kaya yun, sa amin niya nailabas yung kwento niya na hindi niya makwento sa iba pang prof dun sa college namin. Nahiya tuloy kami, at naguilty. Di na namin tinanggap yung pera kasi nagdesisyon na kami ng time na yun na wag ipalaglag yung bata kasi wala namang batang dapat ipalaglag.

Nung magwork na ko, malakas pa rin ako mag trip. Dati pangungutang ang diskarte ko, pero ngayon naniningil na ako ng utang. Ibang level na syempre. Kaya mo bang maningil ng utang sa mga taong wala namang utang? At ang mas malupet pa. Ginawa ko yan sa tatlong kaopisina ko sa loob ng isang araw. At nagbayad naman sila. Nahirapan ako dun sa matanda kong victim pero pinatunayan ko naman na me utang talaga siya dahil tanda ko yung suot niya at yung oras nung mangutang siya. Huwag kayong mag-alala. Isinoli ko naman yung mga pera nila e. Pinatunayan ko lang sa kanila na magaling akong umarte dahil malapit na audition noon sa Star Circle Quest, hehehe.

Malakas din ako magpower trip sa mga aplikante. Tulad ng pagtawag sa isang reference person bilang Lifeline. Uso pa kasi yung Who Wants To Be a Millionaire nun. Kaya binigyan ko siya ng Dial-a-friend na lifeline para itanong kung ano ang ibig sabihin ng FIFO. Buti na lang matalino yung friend niya kaya pinasa ko siya sa interview.

Eto ang matindi.. nabiktima ko rin yung Asst. HR Manager namin. Hahaha.
Naglilipat kasi kami ng ofis noon. So syempre, lahat ng gamit tulad ng computer at telepono e tinanggal namin lahat ng cable at mga plugs. Ang ginawa ko, dala-dala ko yung teleponong hindi nakaplug hanggang sa entrance ng opis, sabay abot sa Asst HR Manager namin. Sabi ko, me tawag siya from our VP. Sabi ng Asst HR Manager namin, HELLO? Seryoso siya, promise. Hindi naman siya nagbigay ng memo kaya lang, ako yung ginawa niyang tagalaro ng anak niya pag dinadala niya sa opis.. Ang lupet… Sana memo na lang, hehehe.

Aminado ako, yung ibang trip, wala sa lugar. Dala rin siguro ng kabataan ko. Isa pa, marami rin naman kasing natutuwa kaya ako ganun. Pero, ngayon, di na ko ganyan. Promise. Matured na kaya ako ngayon, tanong mo pa dun sa anak ng Asst. HR Manager namin…

Advertisements

5 thoughts on “Makulit Si Ako

  1. Lupet mo! Ganito din ako minsan. ‘Di nga lang ako nangungutang. hehe
    Mahilig din ako magsinungaling sa mga kaibigan at kakilala ko, kaso nga lang ‘di ko napapanindigan katagalan ang pagkasinungaling ko (likas na kasi sa ‘kin ang pagsasabi ng totoo — nyahaha!)at umaamin ako na binobola ko lang sila.
    Ang madalas ko nga mabiktima ay ‘yung kaibigan kong half-American. Dahil taga-Davao kami, ang pinakamalaki kong pambobola ay kunwari pumunta ako ng “MYX Mo 2008” at napanood ko live si Rico Blanco performing the song ‘YUGTO’. Sa kagalingan kong magsinungaling, tugma lahat ng details ng performance at ibinalita pa niya sa mga kaklase ko. Naniwala naman sila. hehehe Until now ‘di pa niya alam na niloloko ko lang siya.
    Anyways, astig blog mo! Ipagpatuloy mo ang paglipad!

  2. obviously…
    inde k makulit..
    hahaha..
    grabeng kakulitan ah.
    hmmmmm..
    wel ok lng nmng makulit..
    peo in ryt tym..
    matututo k s kalokahang ngawa mu…
    weEeeeeiii…

    godbless…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s