Dalaw

Posted on Agosto 9, 2009

0


Alam mo, naguguluhan ako sa yo. Hindi ko alam kung ano yung gusto mong patunayan. Kainis.

Minsan, kapag di ka kailangan, basta ka na lang dumarating. Sa mga lugar at oras na hindi dapat. Tulad na lang nung estudyante pa ko, bigla bigla ka na lang dumadalaw. Wala naman akong magawa kundi i-enterteyn ka kaya ayun, naging kantiyawan ako ng buong klase. Bakit ba madalas kang bumisita kapag me klase ako? Ha? Kinakantahan tuloy ako ng mga klasmeyt ko. Tapos si Maam, inireport ka pa sa card ko. Kainis. Simula nun, gumawa ako ng iba ibang paraan para iwasan ka. Lumalabas pa ko ng klasrum para lang ipagtabuyan ka. Nagpapakurot din ako sa katabi ko para di kita mapansin.

Hindi ka rin nawala nung nagtatrabaho na ko. After lunch ka pa madalas bumisita e yun yung time kung kelan andun si boss at madaming ginagawa. Minsan talaga, tinatalo moko. Ganun ka kalakas.

Tapos, kung kelan inaasahan ka, hindi ka man lang nagpaparamdam. Bad trip. Naghintay ako sa yo ng ilang oras sa gabi hanggang abutin ako ng madaling araw. Wala ka pa rin. Kainis. Kung anu-ano tuloy iniisip ko kahit nakahiga. Hay, ibang klase ka. Mapagbiro ka talaga.. Alas kuwatro na ng umaga kita naramdaman.

Sana naman, mamayang gabi. Dalawin mo ko sa tamang oras.

Hay, hirap talaga ng insomniac!

Posted in: Tidbits