A Five-Peso Love Story

Posted on Agosto 11, 2009

3


Nangyari to matagal na. Bago pa man nauso ang cellphone at computer.

Nakilala ko siya sa isang di inaasahang bagay. Nakita ko ang pangalan niya at address sa isang lumang Limang Pisong Papel. Yung kulay green na si Andres Bonifacio ang nakalagay tapos sa likod ay yung pagwawagayway ng bandila sa Kawit, Cavite. Kung tutuusin, madami namang gumagawa ng ganun. Minsan sa pader, sa upuan ng bus, sa cr at sa dyaryo na naghahanap ng penpal. Pero iba ang dating ng pangalan niya. May pera? Hehehe. Iba ang dating ng pangalan niya. Liwayway Daanghari. Taga Cebu.

Sinulatan ko agad si Liwayway. Sumagot naman siya. Natuwa pa nga dahil sa dami daw ng sinulatan niyang perang papel, ako lang ang nagsoli. Nakatuwaan lang daw niyang gawin iyun dahil nababagot siya sa pagbabantay ng tindahan. Nagkapalagayan kami ng loob kahit sa palitan lang ng mga sulat. Humanga ako sa kanyang mga sulat. Sa kanyang magandang sulat-kamay na iniisip kong pag-aari ng pino at mabuting babae. Matalino siya at mahusay mag-inglis. Dumudugo minsan ang ilong ko sa mga ginagamit niyang salita. Sabi ko, ibang klase ang babaeng to.

Ang pagsusulatan ay nagtagal ng buwan, ng mga taon. Hindi ko alam pero pakiramdam ko’y umiibig ako sa isang taong di ko man lang nakikita. Sinikap kong humingi ng larawan niya upang kahit man lang kahit paano’y magkaroon ako ng ideya kung ano ang hitsura niya. Ngunit, matalino ang kanyang mga sagot. Hindi daw mahalaga ang panlabas na kaanyuan sa pakikipagkaibigan. Ang importante ay ang kalooban.

Lalo akong nabighani sa kanyang pagiging misteryosa. Sino nga kaya ang mukha sa likod ng kanyang mga sulat? Ang nagmamay-ari ng pangalang nakalagay katabi ni Andres Bonifacio sa limampiso?

Iginalang ko ang kanyang kagustuhan. Ngunit dumating ang oras na nabigyan ako ng pagkakataon na makapunta sa Cebu dahil sa aking trabaho. Higit sa anupaman, ang makita siya nang personal ang una kong pakay doon. Sinabi ko iyun sa aking huling sulat. Magkikita kami ni Liwayway. Inilarawan ko doon ang aking sarili at ang aking magiging suot.

Positibo naman ang kanyang naging sagot. Magkikita kami sa harap ng simbahan ng Basilica Minore del Santo Niño. Doon siya sa maghihintay sa aken. Magsusuot siya ng pulang bestida.

May galak sa puso, dumating ako sa aming itinakdang oras. Naghintay ako ng ilang sandali. At nagmasid sa labas-pasok na mga tao. Nakuha ang atensyon ko ng babaeng kakaiba ang ganda. Nakakabighani. Ngunit hindi siya nakapula. Ang suot niya ay isang puting bestida. Ganoon din kaya kaganda si Liwayway?

Nakita ko ang isang babaeng nakapulang bestida. Nanlumo ako sa aking nakita. Isang matabang babae na edad kuwarenta. Siya ba ang aking pinapantasyang makasama?

Ikaw ba si Liwayway? tanong ko ng may paggalang.

Ha, marahil, ikaw na nga si Rodrigo!! sagot ng matabang babae, kanina pa kita hinahanap

Ako man din, kanina pa kita hinihintay.
Gusto mo bang magkape muna tayo sandali?
Siya nga si Liwayway. Nabigo man ako sa inaasam na pag-usbong ng isang pag-ibig. Alam kong hindi nabago ng pisikal niyang hitsura ang aking paghanga sa kanya.

Hindi na yan kasama sa plano. Ang sabi sa aken ng nagbigay nito, yung magandang babaeng dumaan sa harap mo, na ibigay ko daw ito sa yo pag hinanap mo si Liwayway. sabay abot sa aken ng limampisong papel, nakasulat doon. Magkita tayo sa chapel ng Krus ni Magellan.

Nabuhayan ako ng loob. Isa talaga siyang matalinong binibini!!

At umusbong ang isang pag-ibig.

Subukan mong pumunta sa bahay namin sa Cebu. Nakaframe ang limampisong nagdala sa aken sa kanyang puso…
_____________________________________________________________________________________________
Di ko matandaan yung author at title nung nabasa kong ganito pero eto, ginawa ko ng pinoy bersyon…