Komento-Omento-Monumento

Posted on Agosto 11, 2009

2


Hoy, ikaw na nagbabasa. May i-share lang ako. Wag mo ko tatawanan a.

Kasi ganito yun, di ba baguhan lang akong blogger? Mga 2 months old pa lang. Virgin pa ba yun? Hehehe, alam mo bang di pa ko marunong magpasikot sikot dito sa blogosphere? Natatawa nga ako e kasi nung sumali ako sa pakontes ni bernard, nagkaroon pa kami ng mga 48 years na tutorial sa ym kung paano maglink, hahaha. Di ko alam kung ano impresyon ni mr. saranggola pero natawa ako nung tanungin niya ko ng Estudyante ka ba? Hahaha. Pasensya na, ngayon lang nag-eexplore….

At alam mo ba kung ano ang una kong tinitingnan pag nakalog-in na ko sa wordpress? Hehehe. Nag-aabang po ako ng comments at kinakarir ko ding magreply ala ym… hahaha. Natatawa at natutuwa kasi akong magbasa ng mga comments lalo na sa labas ng aking bahay. Ang kukulit. Minsan mas aliw pa kong basahin yun kesa sa post mismo ng blogger.

Eto pa, me nabasa akong post. Ang nakalagay lang e tatlong salita. Ang title? EHEM. Biro mong andami pa ring nagkomento? Samantalang yung ibang nabisita kong blogs o mga posts ko mismo na mula Baclaran hanggang Monumento ang haba e wala man lang nagreact. Ganyan, kamisteryo ang paglalagay ng mga comments…

Sabi nga nung isang blogger, nakakataba ng puso ang mga comments. Nakakainspire. Totoo yun, promise. Omento din kasi yun sa effort ng pagpopost. Hindi biro ang magmintina ng bahay. Marami na kong nakitang inabandona.

Pero ako, magpopost ako ng magpopost ako kung kelan ko gusto.. hahaha. Kahit di ka pa mag comment. Ayos lang sa aken.

O ano, any comment?

Posted in: Tidbits