Pagkain-Bagay-Inumin-Pangyayari

Bigla ko lang naalala, may isang laro pala kami noong kabataan pero hindi ko alam kung sinong nakaimbento.
Ganito yun, maghuhulaan lang kami kung anong commercial ang susunod sa isang currently airing na commercial. Mamimili ka lang sa apat na choices.

1. Pagkain – syempre anjan yung Jollibee, Mc Do, Lydia’s Lechon, Mang Tomas, Catsup

2. Inumin – Coke, Pepsi, San Mig, Red Horse

3. Bagay – eto yung paborito ko kasi madaming commercial like shampoo, toothpaste, sabon, damit

4. Pangyayari – madami din to kasi included yung mga trailer ng pelikula o teaser ng mga shows at concerts.

Pustahan lang naman yan ng tex o holen. Pero madalas, pitikan sa kamay. Madalas nga lang me nagkakapikunan, dahil me malalakas pumitik…

At napag-usapan na rin lang ang commercial, here’s one from Xbox..

Life is short. Play more.
Tama, maiksi nga ang buhay…nawa’y magamit natin ito sa mabuting paraan.
Sa bandang huli, ano nga bang bakas ang ating maiiwan?

Advertisements

9 thoughts on “Pagkain-Bagay-Inumin-Pangyayari

  1. bukod dito, nilalaro din namin yung hulaan ng brand na kino-commercial (i.e. jollibee, sunsilk, etc) tapos pipitik ang unang makahula. riot kasi unahan na nga, palakasan pa ng sigaw.

  2. Yan ang ikinakatakot ko na sa mga kabataan ngayon… nawawala na kasi yung mga street games na nilalaro ng mga kabataan nuong panahon ko. Puro na sila psp at kung anu anu pang online games na yan.

    Special Life Events Photography: Capturing life’s special moments for as low as Php 5,000 for 4 hours of unlimited shots and a 20 page colored photobook!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s