Balinguyngoy: My Kol Sen(t)errr Ekspiryenz

Posted on Agosto 30, 2009

11


Nosebleed_by_TheUnicornLordPagkatapos kong magtrabaho sa Korea bilang tagagawa ng kimchi ala Only You, bumalik ako sa bayan ng mga bayani at patay-gutom. (awts). Ang una ko agad inisip e kung ano naman ang magiging buhay ko pagkatapos kong maging milyonaryo. (sa won nga lang.. toinks). Ang lagay kasi isang dosenang bibig ang umaasa sa aken kaya kelangan ko talagang kumayod.

Gusto ko sana makabalik kaagad sa dati kong work na tagasala ng mga aplikante, pero nahirapan din ako kasi medyo malayo yung naging work ko sa Korea. Kaya yun, ang unang pumasok sa isip ko ay mag-call center. Best in English yata ako nung Grade 2 kaya compident ako na makipagsabayan ng duguan ng ilong.. Hehehe. Madali lang naman yun e. Pag may S ang subject dapat walang S ang verb na gagamitin. Wehehe.

Kaya ayun, una kong inaplayan yung Combergys Commonwealth. Nagulat pa nga ako dahil inglisero din si manong guard. Dumugo talaga ang ilong ko pati mata at tenga kasi ba naman yung initial interview pa lang e kelangan mong magkwento sa grupo base dun sa picture na napili mo. Tapos computer skills, grammar at kung anu-ano pang nakakagutom na eksam nila na napakahaba. Kakaantok. Buti na lang at me libreng lunch kaya okay na rin.

Final interview. Eto na, syempre me background ako sa ganitong eksena kaya cool lang ako. One on one na kasi to. Eye contact kung eye contact dun sa medyo chubby na interviewer. Puteek. Parang ang labanan e kung sinong unang kukurap, siyang talo. Natatawa talaga ko. Wahaha. E, nauna siyang kumurap kaya yun, nagbelat ako sa kanya. Nagbigay siya ng list of requirement. Pero pagkatapos nun, parang feeling ko, ayaw ko dun kasi naartehan ako sa HR nila. Parang mayabang. Ganun. Ayoko ng ambyans.

Sunod kong sinubukan yung AYBIEM lagpas lang kasi ng Ever Commonwealth. Medyo hindi pa nga maganda yung ofis nila e. Parang parking area lang. Hehehe. Pero nung mainterbyu na ko, tapos eksam tapos typing, then call sim tapos interbyu ulit. Maayos naman ang lahat. At least mabait at maganda yung mga HR dun. Hehehe. Nakalagay dun sa papel ko TENDENCY TO EXAGGERATE PRONUNCIATION. Whet? EZCUZZZE MEH? Pinagprepare na ko ng mga requirements. Wait ko na lang daw yung final interview na parang formality lang daw kung saang account ako ilalagay.

After 25 years, natawagan ako for the interview. Bad trip. Birthday ko pa. Tapos gabi pa. Musta naman, paano ako magselebreyt nang ganun? At swerte ko kasi ako lang ang inenterbyu ng mga big boss nila. Isang Canadian at isang Indian. Sabi ko sa kanilang dalawa, mejo weird ang bday ko na yun kasi silang dalawa ang kaharap ko. Kumanta silang dalawa. Kainis. Feeling close. Kala ko nga me magpo-phone patch pa e. Tapos magugulat ako, andun yung mga tropa ko. After nung interview, sabi ba naman, See you soon. Hehehe. And yung mga kaibigan ko, text na sila, wer n u? atend kb ng party u?

After kong makumpleto yung mga requirements, dumaan ako ng training dun sa Crossing na ofis din nila. Kainis nga kasi ako lang ang Call Center Virgin. Yabang, hehehe. Yung iba galing sa ibang account nila or galing sa ibang call center. Hindi naman ako nagpahuli kasi nga Best in English din ako nung Grade 5. Nanalo pa nga ko sa mga games na me premyong chocolate at ballpen from Canada.

“Thank you for calling Bell Express Vu. This is Lipadlaya speaking. How can I make you smile today?Wehehehe. Napapa-smile talaga ko sa spiel na yun. Iniisip ko kasi baka magrequest yung kausap ko na magbigay ako ng joke. Musta naman. Puro mais ang alam ko.

Natapos ko naman yung training at handang-handa kong sumabak sa duguan ng ilong. Nagdala na nga ako ng timba, hehehe. Pero ayun, nagkasakit ako ng isang lingo. Di ko na sasabihin yung sakit ko nun kasi baka mahawa pa kayo. Matindi rin kasi yun. Nakakahawa kahit tingin lang. At yung dugo ko daw e mababa na, nasa tuhod na daw. Inisip ko na lang na baka ayaw ni Bro na ilagay ako sa ganung work. Kaya nagresign ako…

Hindi talaga kasi ako sanay sa ganung buhay –bampira. Hindi ko talaga kaya. Yan ang dahilan kung bakit si Robert Pattinson ang bida sa Twilight. Toinks.

Ilang weeks lang, nung magpapirma ako ng clearance, kinumusta ako nung Canadian boss. Balik daw ako pag okay na yung health ko… Sayang nga e, Wave 4 pa naman ako. Baby pa lang yung account so ilang months lang daw, pwede na kaming maging TL. True Love? Hehehe. Sagot ko naman, wait ko na lang siya sa Canada, sabay kindat. Hehehe.

Kaya nga, mataas din ang tingin ko sa mga nagwowork sa balinguyngoyan. Hindi biro ang dumugo ang ilong habang nagpapalaki ng eyebags… Taas ang kamay ko sa kanila…

—–
balinguyngoy – tawag ng mga Batanggenyo sa Nosebleed
pic from deviantart.com

Posted in: Kwentong Payslip