Mula sa bintana ng eroplano, pinagmasdan ni Cora ang larawan ng bansang kanyang iiwan. Ayaw niya sanang umalis at ipaubaya sa tamad niyang asawa ang pagpapalaki sa kanyang mga anak. Maraming bagaheng laman ang kanyang puso. Marami ring bagaheng laman ang kanyang isipan. Sana mabait ang kanyang maging amo sa Hongkong. Sana hindi siya matulad sa mga kinatatakutan niyang kuwento ng pang-aabuso at pang-aalipin sa mga DH doon. Sana makapagpadala siya buwan-buwan para sa kanyang pamilya. Sana maging matino ang kanyang asawa. Sana lumaking maayos ang kanyang mga anak. Sana makapag-ipon siya para sa maliit na negosyo o kahit karinderya lang. Sana mabilis ang dalawang taon. Sana mabuo niya lahat ng pangarap niya.
_____________________________________________________________________
Isang tawag mula sa Pinas para kay Mar sa Dubai.
“Hello, Mahal. O ano, musta ka na jan?”
“Mahal, eto ayos naman ang lagay. Dumating na ba yung package na pinadala ko?”
“Oo. Kaya nga ako napatawag sa iyo. Sus, tuwang-tuwa ang mga bata. Si Me-anne, dinala kaagad sa iskul nila yung i-pod na padala mo. Si Junjun naman, halos ayaw nang bitawan ang PSP kahit sa oras ng pagkain. Si Mike naman ayun kung anu-anong ginagawa sa laptop. Bakit nga pala isang pabango lang ang pinadala mo? Humihingi sina Ate at Inay e. Baka isipin nila na nagdadamot tayo. Sabi ko na lang, next time na lang pag nagpadala ka uli. “
“Mabuti naman at nagustuhan ng mga bata. Sige, sa sunod ko na lang padalhan sina Inay at Ate. O asan, ang mga bata?”
“Yun nga ang isa ko pang gustong ikwento sa yo e. Matitigas ang mga ulo. Kung sana’y nandito ka, e di may katulong ako sa pagdisiplina sa mga ire. Sus, napakagagaling sumagot”
“Sige, ipasa mo sa kanila ang cp. Pagsasabihan ko.”
“Mga wala dito sa bahay e. Si Mike, andun na naman sa gf niya. Si Me-anne naman, dun natulog sa kaklase niya, si Junjun, pinuntahan ni Ate. Isinama sa Jollibee.”
“O, siya sige. Chat na lang kamo kami mamaya. Ingat kayo, diyan. Miss ko na kayo.”
“Ikaw din, miss na kita. Ngats ka dyan, at wag kang mambabae, damuho ka.. sige na,, I love you..”
Naputol na ang linya. Ibinaba ni Mar ang cp. Muling lumapat ang hubad na katawan sa hubad ring katawan….. ng kagaya rin niyang nananabik sa init at yakap sa magdamag.
____________________________________________________________________________
Malungkot ang kwentuhan ng magkaibigang Nante at Bong papunta sa isang hospital sa South Korea. Hindi nila gustong dalawin ang kaibigang si Renato sa ganoong kalagayan. Iniisip nila ang buhay na naghihintay sa mag-ina nito sa Tarlac. Paano nila ito ipaliliwanag? O paano nila mababawasan ang sakit sa balitang ihahatid nila?
Patay na ang kababata nilang si Renato. Binangungot daw, ayon sa mga kasamahan sa trabaho. Naghalo-halo daw sa kanya ang pagod, hindi kasi siya nagde-day-off. Ang pagkabusog dahil sa madaling araw na siya kumakain. At alak na pampawi ng lungkot at pagkabagot.
Masakit ngang isipin,, Pasahero siya nang umalis ng Pilipinas ngunit bagahe na lang siyang iuuwi…
_______
pics from deviantart.com
Ang saklap din naman ng pangyayari sa ikatlong kwento. Ngayong siya ay wala na, paano kung siya na lang ang inaasahan ng kanyang pamilya sa Pilipinas?
Masaklap talaga lalo na kung wala siyang naipon o naipundar para sa pamilya niya…
The woes of an OFW. We should have stronger protection for our fellow Filipinos abroad. I know this sounds so motherhood but it’s really a clamor from the OFWs’ families here in the Philippines.
tama si BP pinakamasaklap ang ikatlong kwento.. 😦
pero kadalasang mangyayari sa ngaun sa tingin ko,
ay ung sitwasyon pangalawa..
hahai, parehong nakakalungkot..
oo nga, madalas talaga yung pangalawa… nakakainis nga e pero eto ang katotohanan ng buhay….