Pangako

Posted on Setyembre 9, 2009

11


Isa na namang kantang hilaw….. Hehehe. Sensya na, puro tungkol sa Long Distance Relationship e…

promise_of_you1. di man magkasama sa kasalukuyang panahon
wala man sa akin ang ngiti at yakap mo ngayon
hindi magiging hadlang upang magmahalan
magiging tapat sa salitang binitawan.

2. puno man ng pananabik
sa isip naman ay di mawawaglit
aking nababatid, na muling maglalapit
mga puso nating labis na umiibig

chorus: (pagkat) Pangako, ikaw at ako
tayo pa rin, may bukas pang darating
pagmamahalang walang kapantay
iibigin kita habang ako’y nabubuhay
hinding-hindi ako magbabago
itaga mo sa bato
ito ang pangako ko

3. di man makausap sa oras ng pangungulila
wala nga ang init sa lamig ng gabi
hindi magiging hadlang upang magmahalan
aasa pa rin sa pangakong binitiwan

4. puno man ng pagsubok
ang buhay nati’y talagang sinusubok
ito ang magiging daan sa pagmamahalan
magiging matatag at di pabubuwag

(repeat chorus)

coda:
walang iwanan
walang lokohan
ikaw at ako
magpakailan pa man

(repeat chorus)