My Sassy Girl

Ilang beses ko nang tinangkang panoorin ang pelikulang ito, pero pawang lahat ay pagtatangka lang. Noong nasa Korea ako, ilang beses na ring pinalabas eto (with subtitle syempre) pero ewan ko ba, parating hindi ako nakakarating man lang sa kalagitnaan. Hindi ko masyado pinapansin. Hindi ko binibigyan ng atensiyon.

Pero nitong nakaraang Eid, fyi, eid yung katapusan ng Ramadan season, isang lingo kaming walang pasok, kaya ayun, dahil sa tinamaan ako ng insomnia, ayun, pinanood ko ang My Sassy Girl. Noong una, parang walang dating sa aken, pero habang tumatagal, dinadala ako ng kwento. Taragis… kainlab-inlab ang pelikulang ito ng mga Koreano. Maganda ang daloy ng istorya. Tamang-tama ang timpla ng humor at drama. sassyKahit nga, isang eksena lang, sulit na para sa isang maikling kwento. Tulad na lang ng 10 things I love about you, o kaya yung ikwento nung matanda ang ginawa nung bidang lalaki na palitan yung puno na tagpuan nila ng bidang babae. Hehehe, para kong pusang kinikilig (bad trip) sa husay ng pagkakahabi ng istorya. Ayos ang mga twist. Sobra. Kaya nga sa lahat ng gustong mainlab, o kung gusto mo ng mga movies na pang-valentines, etong My Sassy Girl ang di dapat mawala sa listahan.

Pagkatapos, naisip ko, oo, minsan nag-iisip ako., hehe. Para palang ako ang pelikulang iyon. O parang ikaw. O ang pagbukadkad ng mga rosas. O ang pagkakatutong lumipad ng agila. O ng pagbabagong-anyo ng paru-paro mula sa caterpillar. O ang pamumunga ng mangga. O ang pagbubuntis.

Naisip ko, ang lahat ay may tamang panahon. Kaya pala hindi ko mapanood sa Korea yung My Sassy Girl, kelangan palang nakahilig sa balikat ko ang bebe ko at hawak ang kamay niya, kahit pa nakatulog siya habang pinanonood ito.. Haay, sarap mainlab….

Advertisements

22 thoughts on “My Sassy Girl

  1. nakakaiyak. Lalo yung top ten niya. tsaka yung sumisigaw sa bundok. hehe..
    hopeless romantikk! bihira lang ako magkagusto sa love story na istorya, at isa ito sa mga yun.

    ..napadaan lang.

  2. jem, i need your help pls…vote for me in the philippine blog awards!#35-flamindevil..pls click the link then you can see on the left side there’s a voting area.click#35 then submit vote.thanks in advance…this means a lot to me. :p

    btw, bonistation is number 33 and topexpress is number 34..u can vote 3 people at the same time. thanks po.

    http://pinoyexpatsblogawards.com/

      1. hehehe, yun tawag nila pag naka-corporate attire ako pero mas kumportable akong tawaging ISKA the Bitch o di kaya ISKA the dancer, o di kaya ISKAbitchE o di kaya naman ISKA bolera, name it di ako aangal. Ay nu ka ba, astig nga mga panulat mo e. babalikan ko site mo mamaya pag nakatalikod si bossing

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s