Pinukaw tayo sa ganda ng kalikasan, pinatindig tayo ng apoy ng pag-asa, pinag-isip tayo ng diwang makabayan at ngayon ay pinakikilos tayo para sa Inang Bayan.
Maraming dahon ng panahon ang nalagas mula sa puno ng dantaon bago natin nakamit ang ating kalayaan. Kalayaang inihandog ng mga ninunong nagbuwis ng buhay makahilagpos lang sa tanikalang hatid ng mga dayuhan. Subalit, ano nga ba ang tunay na kahulugan ng kalayaan?
Sapagkat ang kalayaan ay may kaakibat na responsibilidad. Kung ikaw ay kabataan, malaya kang maglayag at makipagsapalaran, alalahanin lang na ang destinasyon ay makatapos ng pag-aaral. Kung ikaw ay manggagawa, malaya kang gawin ang nais kung hindi nakatingin ang amo, ngunit sa paglubog ng araw, nagawa mo ba ang trabaho mo? Kung ikaw ay pulitiko, malaya ka sa pagbuo ng desisyon ngunit kalakip nito’y katungkulan sa bayang nagluklok sa kapangyarihan.
Kung ikaw ay Pilipino, mapalad ka dahil sa kabilang dako ng mundo, maraming tao ang walang kalayaang bomoto, magsalita laban sa gobyerno, mamili ng kasariang kabibilangan o ng relihiyong kaaaniban.
Ang kalayaan ay pagkilos nang may kamalayan.
Nasa kamay natin ang simula. Huwag tayong magpagapos sa mga limitasyon. Gapusin natin ang limitasyon, sunugin at pagningasin upang makabuo ng inspirasyon. Simulan mo iyan sa iyong buhay. Iangat mo ang kalidad ng iyong sarili. Susunod diyan ang bayan patungo sa kaunlaran.
Maging buhangin ka. Buhanging kasama sa pagbuo ng pangarap, hindi buhanging nagsisilbing puwing sa lipunan.
— Lipadlaya
_____________________
pic from deviantart.com
[…] https://lipadlaya.wordpress.com/2010/06/20/kalayaan-kamalayan-at-pagkilos/ 860 Comments by J. Kulisap / June 7, 2010 / Posted in: Pilipino Ako […]
Maraming salamat po. Labis ang aking pagkagalak sa iyong pagsali kahit na walang nag-udyok sa iyo. Nagpapatunay lamang ito na buhay ang kamalayang malaya upang magbahagi tayo ng ating kaisipan.
Mabuhay ka Sir.
Magandang araw sayo
sir, kami ang dapat magpasalamat sa yo… salamat sa mga ganitong panggising…. mabuhay ka….
wow!
ok, aminado na ako kung di dahil sa posteng ito di ko lubusang naintindihan ang salitang “kamalayang malaya”…haha
magkaiba man ang pananaw, ito ang naging swak sa panlasa na hinahanap ko.
ganun ba.. gusto ko yung linyang to sa post mo…
ang sekreto ng pagmamahal ay ipakita ito, ang sekreto ng sarili ay ikaw mismo,
At ang sekreto ng buhay ay palayain ang sarili sa pagsikil ng sariling damdamin”.
tagos…
Isa ito sa mga magagandang entry para sa pakontes.
Panalo ito sir!
Sigurado akong nasa top 5 ito.
nakita ko rin ang iyong entry. mahusay din ang iyong gawa lalo pa’t tumatalakay ito sa ispiritwal na aspeto..salamat sa pagdalaw…
nagsimula na ba ang botohan?.. iboboto ko ‘to!
Ang galing nito Sir, Saludo ako sa bawat salitang nalathala.
nakakataba naman ng puso… salamat….
Kasalukuyan na pong pinapasadahan ang iyong akda Ginoo. Mga inampalan ito ay opisyal na lahok sa pasiklaban.
Maraming salamat.
salamat din, kulisap…
napakahusay na pagpapahayag ng malayang damdamin.
bukod sa bibihirang lawin,may agila rin palang makikita sa disyerto.at ang agilang ito ay malayang malaya.
mabuhay po kayo!
kakagaling ko din sa bahay mo… asteeg naman yung bahay mo,,, me mga animation pa… tapos yung mga posts mo, ang lulupet… san ka kumukuha ng ganong inspirasyon? kahanga-hanga….
maraming salamat.
bahagyang inspirasyon lang mula sa buhay.saka libangan lang dinyung mga ginagawa kong pagsusulat.maraming salamat ulit at nagustuhan mo.kung ok lang,isasama kita sa blogroll ko.
hanga rin ako sa paraan mo ng pagsusulat.
Dahil sa posteng ito, ngayon, mas naintindihan ko na kung anu ang ibig saibihin ng “Kamalayang Malaya”.
Ang galing nito Sir, halos nabasa ko na rin lahat ng mga lahok ng iba at isa ito sa may pinakamalapit na tema para sa pasiklaban ni Kuya Jkul.
Padaan at Pakoment po.
Ingat at GOdbless!
Salamat naman at nakapasa sa panlasa mo… sige lang comment ng comment lang. tenk yu ulit….
Ito po ay Entry Number 31. Salamat po
with great ‘freedom’ comes a great responsibility
~spiderman lol
dahil sa ginawa nyu yan nagpapasalamat po aku dahil dyan may karaparatan tayung mga pilipino na baguhhin ang mondu natin