Luntiang Kabataan

Ang susunod na programa ay naglalaman ng maseselang salita at mga eksenang hindi angkop sa mga batang manonood. Patnubay ng magulang ang kailangan.

Weh. Hindi nga?

Wala lang. Naalala ko lang yung mga ganyang paalala bago magpalit ng shows sa tv.  Nakakatuwa kasi parati silang nagpapaalala sa ating mga kabataan ng ganyan pero syempre, marami pa ring mga salita at mga kalokohang natututunan at nasasaksihan sa labas ng tahanan. Bukod sa utot na kinukulob sa kamay tapos ipapaamoy sa katabi, halos parati ka ring nakakakita ng mga drowing ng ari ng lalaki na parang sombrero at ari ng babae na hinating diamond sa mga pader ng cr, bus at upuan. Hindi rin siyempre makakaligtas ang iyong kainosentehan sa mga kalokohang narinig mo sa ibang bata.

Narito ang mga halimbawa:

Sa mga batang lalaki, ayaw na ayaw namin na kinakanta sa amin ang ganito.

“Sa bundok, sa gubat, kami ay walang takot,

Pag kasama si  (insert name here) supot

Ang dala namin, kutsilyo at gulok

Upang tuliin si  (insert name here) supot.

Hahaha. Big deal sa mga batang lalaki yang ganyan pero nakakatawa kasi lahat naman sila supot pa na nagkakantiyawan.

Heto pa ang isang makabagbag-damdamin na kanta sa kantiyawan ng mga bata.

“Noong unang panahon, mga tao’y hubad

Maliban kay (insert name here) may kaunting bahag

Umakyat sa puno, nasabit ang bahag

Ang lintik na (insert name here) kaylaki ng ba*ag.

O kaya naman yung commercial ng Alpine.

“Sa dibdib, may dalawang bundok

Sa bundok, may dalawang holen

Sa holen, may dalawang butas,

Sa butas, may lumalabas

Ano yun?

Instant Alpine, Pu**ng malaki! *dalawang suso*

Hahaha. Pamilyar ka ba sa kantang DO-RE-MI. Narito ang makulit na bersyon ng mga batang pasaway.

Do – Donut ang kinain ko

Re – my ang nagtinda

Mi – nasdan ko ang legs niya

Fa- rehong maputi.

So- sulatan ko siya

La –lapitan ko muna

Ti-namaan nga yata, ako ng pana ni Kupi-

Do-oooooo.

E ang Sampung Mga Daliri

Sampung mga daliri, Nawala ang isa

Hinanap ko, Hinanap ko, Nagja****L pala..

At syempre ang tawag mo sa Lupang Hinirang ay Bayang Magiliw. At ganito tinatapos…

“sa dalawang bundok nakatira si tarzan at barok.

may kamote q banana q gulaman at sago..

bungang araw ketong, bukol,  kurikong

ang mamatay nang may bulak sa ilong!”

Pati mga kantang pamasko

“Sa maybahay, nagkakalamay

Sa may bundok, nagpapanuntok

Sa may katre, nagpapandale”

Pati mga baboy hindi pinatawad

“Arimunding munding Pasko na

Ang puwet ng baboy mapula

Sinundot ng pako, nagdugo

Sinahod ng tabo, nabubo.”

At syempre pa ang patulang linya ni Vic sa isang pelikula.

Ang      Na       Ang      Na

Su        La        Ki        Hin

Su        Mas     Ki        Dot

Mo       Ko       Mo       Ko

Na kapag binasa mo uli pababa e may nakatagong kabastusan. Teka, alam mo ba kung ano ang kahulugan ng PANDIWA?

Ang Pandiwa ay hiwa sa pagitan ng hita na pinapasukan ng batuta at nilalabasan ng bata.

Ilan lang yan sa mga naalala ko noong kabataan ko. Panahong punong-puno ng kalokohan na kahit sabihin pang bastos pero alam mong walang malisya. Hindi ko alam kung sino ang nagcompose ng mga kantang yan pero aliw na aliw tayo noon at parating nagtatawanan. E, kasi bata!

Hmm, ano kaya kung isama to sa Sex Education ngayon? Wala lang. Hahaha.

Advertisements

9 comments

  1. Kabataang tulad natin ah… Nkakatawa nman tong post mo dito… Nakaka recall ako sa panahong bata pa ako.. Palagi akong kinakantsawan at xempre hindi din ako magpapatalo sa kantsaw….

    Bumabalik ka sa pagkabata huh…! 😀

  2. hehehe….parang lam ko yung isa dun a! hinabol pa nga kami ng kutsilyo ng gagalit na galit na kapitbahay kasi siya yung napili namin example….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s