Ang Utol Kong Pasaway (Repost)

South Pole. North Pole. Ganyan kalayo ang agwat ng pagkatao namin ng kapatid kong si Ato. Kung hindi mo nga kami kilala, sasabihin mong hindi kami magkapatid.

Marami naman talaga kasi kaming pagkakaiba. Sa musika, habang nag-aagawan kaming magkakapatid sa mga kanta ng Westlife sa videoke, nape-perpect niya naman ang “Remember Me” ni Renz Verano. Sa iskul, masaya na siya sa row 4 at kuntento na sa mga palakol, wag lang pulang grado sa card samantalang ako, lalaban hanggang sa dulo para makamit yung pinakamataas na parangal. Madalas siya sa galaan at nagpapaumaga sa barkada, ako bahay-eskwela lang talaga. Mahilig siya sa isports, ako sa pagsusulat at pagbabasa. Kumbaga sa gyera, pisikal ang laban niya, utak ang gamit ko. Sa babae, playboy yun. One-woman man ako. Sa hitsura, medyo dehado ako. Gwaping si utol samantalang ako’y hmmm, wag na natin pag-usapan. Last time kasing bisita ko sa prendster niya, nainggit na naman ako sa kanya. Hehehe.

Natural yata na pasaway si Ato. Natatandaan ko kasi madalas siyang tumatakas sa gawaing-bahay noon at me sekreto siyang daanan dun sa likod-bahay. Siya rin yung pinakatanghaling gumising sa aming magkakapatid at parating nabubuhusan ng tubig sa higaan bilang panggising ng Tatay. Siya din yung tipong uuwi lang ng bahay para kumain at maligo kaya naman siya yung parating nakakakuha ng “award” mula sa bunganga ng nanay ko. Sa iskul, ehem, kilala kasi akong matino sa pag-aaral pero etong si Ato, nakabasag ng flower vase, me nakaaway at malala pa kasi, nagdala ng balisong o kutsilyo sa iskul. Sabi nga, dati ipinatatawag lang ng iskul yung nanay ko para sa ranking ng achievers pero nung time na yun, ibang klaseng ranking yung pinadanas niya. Ibang klase talaga. Kaya naman, nung minsang umuwi siya dala ang report card na puro pasang-awa, niyakap siya talaga ng nanay ko. Bagay na hindi niya ginagawa kapag sinabi naming Achiever kami ng iba ko pang kapatid. Naisip ko marahil, eto yung naisip niyang paraan para makakuha ng atensiyon mula sa magulang namin na nagbunga ng labing-isang supling.

Lumaki naman kami parehas nang matino. Magkaiba lang talaga ng prinsipyo. Nang magtrabaho ako sa Korea, tinulungan ko siyang makapunta din dun para magtrabaho. Hindi ako nagrenew ng contract dahil sabi ko, may iba pang mundo para sa aken at mas maraming oportunidad na mararanasan. Nakatapos kasi ako ng kolehiyo samantalang siya, hayskul lang. Bagay na pinupunto ko sa kanya noong nagdadalawang-isip siya kung pipirma ulit ng kontrata sa Korea.

Nagkainitan at nag-away kami, dala rin marahil ng nainom naming alak noong binyag ng isa kong pamangkin. Parang Coco Martin at Gerald Anderson lang sa Tayong Dalawa, hehehe. Nagkasagutan at nagpalitan ng mga di-malunok na salita. Aaminin ko, masakit yung mga binitawan kong linya sa kanya. Pakiramdam niya kasi, ako ang nagmamaneho ng buhay niya. Ang sa aken lang naman, mas magandang buhay yung gusto ko para sa kanya. Hindi naman para sa aken yun. Sa magiging pamilya niya.

Masyado nga sigurong masakit yung bangayan namin. Dumating sa punto na sabihin niyang hindi na niya ako tatawaging KUYA. Mayabang din ako noon at sinabi kong hindi na rin ako tutulong sa kanya. KAHIT KAILAN. Hindi na kami nag-usap pagkatapos ng madramang gabi na yun.

Nag-renew siya ng kontrata sa Korea. Natuwa naman ako. At least kahit paano, nakinig pa rin siya sa aken. Pero pagkalipas lang ng tatlong linggo, napamura ako sa balita ng isa kong kapatid na umuwi siya ng Pinas. Nampucha talaga. Gusto nang mag-asawa. Buntis pala yung gelpren. Ikaw ba, hindi mapapamura?

Ilang linggo bago ako umalis papuntang Qatar, nagpasabi sa isa kong kapatid kung gusto ko daw bilhin yung laptop niya. Nagdalawang-isip ako noon kasi mahal yung presyo para sa second-hand. Isa pa, madali na lang bumili sa Qatar. Pero sabi ko, tulong ko na rin yun sa kanya kasi kelangan niya ng pera para sa kasal at para sa panganganak ng misis niya. Binili ko na rin kahit pinag-awayan namin to ng bebe ko.

Bago mag-Pasko, nagtext si Ato. Medyo gipit siya kasi me hinuhulugan din siyang traysikel, kinulang daw ipon niya para sa panganganak. Nagsabi ng halaga. Nainis na naman ako. Gusto ko ulit murahin. Kung bakit nakahiga na siya sa kama, lumipat pa siya sa papag. Bad trip. Akala ko, putol na ang pusod na nagdudugtong sa amin.

Pero sabi nga, sino pa ba ang magtutulungan? Hindi ko rin matiis. Hindi ko binigay yung halaga ng hinihingi niya pero pinadalhan ko pa rin. Alam ko, nilunok niya rin yung pride bago humingi ng tulong sa aken.

Nakatanggap ako ng text sa kanya noong isang gabi.

“Kuya, babae ang anak ko. Tatay na ko. KUYA, SALAMAT SA TULONG A.”

Alam ko, marami kami pa kaming pagdadaanang ganito. Pero kahit baligtarin ang mundo, magkapatid pa rin kami at iisang apelyido ang dala. Sapat na iyun upang damayan ko siya. Dalangin ko lang, maging maayos na ang pagmamaneho niya ng buhay niya. At wag na siyang masyadong Pasaway.

_______

para sa pakontes ni gillboard

Advertisements

10 comments

  1. astig naman ng kwento, naalala ko lang din dito ang kuya ko, na halos sya din ang kaaway ko nung bata pa kami, pero nung malaki na kasanggang dikit na, at mas lalong tumindi ang pagkakapatid nugn pareho na akming nagtrabaho. tama tulungan lang din, bigayan, hindi man patas ang estado nyo ngayon maaring nag excel din sya sa paraan at sa mundong alam nya. minsan hindi lang naman din kasi sa career ang batayan, maaaring sooner or later mas magiging mabuting daddy sya sa mga anak nya..

    provide lang din kung ano pedeng ibigay, diba kung ung ibang tao nga napapahiram natin na maluwag sa kalooban natin, gano pa yang mga kapatid na sabi mo nga at tama ka, at iisang apelyido dala dala nyo!

    saludo ako sayo bro! tagay na!!

    **nakiraan lang po.
    bonistation

  2. parang kami ng sis ko, lagi kami nag aaway at ang masakit ako ang panganay ako laging talo, iyakin kasi ako nung bata at hanggang ngayon ata.. hehehe, hanggang sa sobrang masasakit na ang mga words na sinasabi namin makaganti lang kami sa isat isa,naisip ko tuloy na parang masarap ang walang kapatid dahil sa lagi nga kami nag aaway,peru habang tumgatagal at nagiging matanda na kmi, lubus naming naiintindihan ang isat isa, at nagkakaunwaan sa lahat ng bagay at ang masarap sa lahat, sya ang nagiisang BESTFRIEND ko na nasasabihan lahat ng mga problema o saya sa buhay ko. Kahit anu mang sama ng loob sa kapatid,hindi padin natin sila pwede itapon, hehe..

    happy valentines in advance!! 🙂

  3. yan Bro ang sinsabi ko sa iyo…God has designed our lives the best way He wants it to be..and it’s His way , not ours.. More power and we’re proud of you!

  4. hello, lipadlaya…

    kami naman, sampong magkakapatid. iba-iba rin ang ugali. may mga maliligalig at pasaway, meron namang hindi…

    gusto ko ang pagkakwento mo – tapat at lapat. hmmn… parang ganoon nga, maiinis ka, magdi-diskurso why aren’t they wiser, etc.. pero in the end, ayon, tutulong ka pa rin. hindi mo pa rin matitiis. pinoy set-up, ahaha.

    happy new year sa iyo, sa iyong bebe at sa pamilya! 🙂

    • musta, dpsa,
      oo nga, kahit ano pang away ng magkapatid, pag kinailangan ka, di mo talaga matitiis…

      hapi nyu yir din,,, teka, di ko na mahagilap yung site mo.. mag-iwan ka naman ng bakas, enjoy akong bumisita dun…

      • hello uli sa iyo… salamat at nagagawi ka na rin pala kahit paano doon sa amin. sa kasawiang-palad, ang dpsa daw ay na-virus ang last blog entry, sabi. kaya ayon, sinuspinde ng ora-orada since november first week, kaiyak… ^^

        sumulat na ako ng makailang beses kay mr, wordpress pero wala pa ring tugon. nagpaliwanag na ako, nagpa-cute at nagmakaawa, hehe, to no avail just yet. am still hoping though na ibabalik nila. sayang naman, it’s an informative site at maski gumawa ako ng mga bago, hindi ‘yon maaring pampalit sa dpsa, ahaha. it’s really about rural life and country ways, naman…

        hmmn… dinalaw na kita via one of my new sites. iba nga lang format no’n, hehe. and don’t think i’ll be as masipag sa pagsusulat at pagpo-post sa bagong sites. iba, eh… regards,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s