Ayun. Magandang araw mga kalipad-isip!
Tagal ko na namang nawala. Mabuti na lang at may nangatok at nagpaalala na kailangan ko na daw mag-update.
Siyanga pala, i-share ko lang yung ginawang project ng isang blogger dun sa isa kong kwento. Nakakatuwa naman na nilagyan niya ng drowing yung kwento at isinalin pa sa English.
Salamat, MECOY!
Yung kwento nga pala na drinowing niya ay ang isinali ko sa Kwentong Pambata ng Saranggola Blog Awards noong nakaraang taon. ANG KAHON AT ANG MGA KWENTO NG MGA LUMANG LARUAN na napiling Ikalawang Karangalan (Blog-galing).
Magaling ang pagkakaguhit niya. At nainggit ako ng konti. Nailarawan niya talaga kung ano yung nasa isip ko. Hindi perpekto ang pagkakasulat niya sa wikang Ingles, gaya rin ng hindi ko pagiging perpekto sa pagsusulat ng Filipino (at English). MINSAN, isa yun sa kagandahan ng paglalakbay at karanasan bilang blogger o writer. Kumbaga, nagiging tao. Parating may patutunguhang pag-unlad sa larangan. Sabi nga, narinig ko minsan sa mga judges ng Showtime, pag sobrang galing na daw, nagiging boring na.
Nalungkot lang ako dahil nabawasan yung mga tauhan sa istorya. Nawala sina Kotse-kotsehan at Teddy Bear. Kunsabagay, kasi, sabi ni Mecoy, madalian daw, Tatlong araw lang yata niya ginawa. 100% dapat yung grade na ibibigay ko sa ginawa niya e, pero, naging 97% na lang. 2 puntos para sa dalawang karakter na nawala at isang puntos na kabawasan dahil kahon lang ang nakadrowing dun sa COVER Page. Mas maganda sana kung andun din sa unahan ang mga laruan sa kwento.
Anu’t anuman, saludo ako kay Pareng Mecoy. Kung magawi ka ulit dito, salamat at isang malaking karangalan para sa akin ang maging inspirasyon ng talento mo.. Nawa’y lalo ka pang mahasa at kuminang sa mundo ng sining ng pagguhit at pagsusulat. Kay-inam na kumbinasyon!

di ko ineexpect na magugustuhan mo yung ginawa ko anyways about dun sa nawalang characters ung binigay kasi sa aking kopya ee pinutol na nila parang binuod na haha
pasensya na sa mga mali salamat na di sa pag post mo di mo lang alam ganu ko ikinagalak to
ah ganun, ba.. ayos lang yun. Gusto ko nga rin matutong mag drowing. Dati marunong ako, hehehe. Pero ngayon,hindi na ako marunong.. hehehe
may talent pala si mecoy sa pagdodrowing .hehehe 😀
oo nga, e. Gusto ko rin matututo..
hello… sumilip nga ako sa site ni mecoy, ang galing nyang mag-drowing, mag-render. ahaha, kayo na ang mga malilikhain, kainaman na. mahuhusay kayong mag-conceptualize, shaks. a, e, hindi naman sa nagre-reklamo ako, hehe. 😉 happy weekend…
Kung husay at husay din lang, naku, ikaw ang batayan. Musta ang weekend? nagsusulat ulit, ano?
hala, batayan ka ryan, sabunot, gusto mo… elementary pa no’ng madalas akong dumrowing-drowing, sobrang tagal na… hay, eto – walis-walis, punas-punas, tiklop-tiklop – exciting much, hihi. wala pang naisusulat po. may mga stored, di ko pa mapagdiskitahang i-edit, yown… 😉
nakita ko rin un… at maganda ang pagkaka likha…. buhay na buhay ang pagkaka drawing…
oo nga, wish ko ring makapag-drowing kagaya ni Mecoy, hehehe
kelan lalabas ang totoong libro? ng maabangan na sa bookstores 😉