Palaisipan

question mark

Bigyan mo ito ng tamang paliwanag.

1. May isang lalaking nakatira sa 15th floor ng isang building. Sa umaga ay wala siyang problema sa elevator papuntang trabaho ngunit pag-uwi niya sa gabi, sa 6th floor siya napipilitang bumaba at mula doon ay aakayatin niya yung hagdanan papuntang 15th floor. Madalas ganito yung ginagawa niya maliban na lang kung may kasabay siya o umuulan. Anong hiwaga kaya mayroon sa 6th floor?

2. Isang araw, inihatid ng doktor ang kanyang teenager na anak sa sasakyan papuntang paaralan. Pagdating niya sa hospital na kanyang pinaglilingkuran, kinailangan niya agad pumunta sa emergency room dahil may teenager na nagkaroon ng car accident. Nagulat ang doktor nang makita niyang anak niya ang nakaratay sa nasabing silid. Bakit hindi man lang nagalusan ang doktor at nagulat pa ito nang makita ang anak?

3. Dalawang mag-ama ang namimingwit sa tabing-ilog isang hapon. Nakahuli sila ng tatlong malalaking isda at yun ang ginawa nilang hapunan, tig-iisang piraso. Paanong nagkasya ang tatlong isda sa dalawang mag-ama?

4. Isang binata ang pumasok sa isang bar at humihingi ng isang basong tubig. Ngunit nabigla ang lahat nang tutukan siya ng baril ng isang mama. Pagkatapos noo’y umalis ang binata at nagpasalamat pa. Bakit siya nagpasalamat sa mama?

Palaisipan. Kapag may kaibigan akong nagbigay ng mga ganitong isipin, pinagagana ko talaga yung utak ko sa lohika ng bawat pangyayari. Pilit kong hinahanapan ng sagot ang tanong na bakit nagkaganun o paano naging posible. May madadaling sagutin dahil nasa kwento na mismo ang sagot, meron din namang ihinihingi ng ilang minuto para mag-isip lalo na kapag may involve na math at may panahon ding maaasar ka dahil hindi mo talaga alam ang sagot. Sirit na nga, e. (at may mga palaisipan na hindi rin alam ng nagtatanong kung anong sagot kaya babalikan ka ng pilosopong tanong na “kaya ko nga sa ‘yo pinapahulaan e.”) Kainis.

Dumarating sa buhay natin yung nagtatanong tayo sa nangyayari sa takbo ng career o ng relasyon na meron tayo sa kasalukuyan. Bakit kaya ganoon, mas magaling naman ako sa kanya, pero bakit siya yung mas mataas ang posisyon sa company? Bakit kaya mas magandang lalaki/babae ako sa kanya pero siya yung mas may magandang lovelife? Bakit ang laki ng sweldo ko, pero hindi ko alam kung saan napupunta? Bakit kaya hindi ako maintindihan ng mga taong parati kong iniintindi?

Sino sa atin yung hindi dumaan sa ganitong pagtatanong? Ang sabi, abnormal ang taong hindi nagtatanong ng ganito sa sarili. Kahit nga mga Christians na tayo, we often ask why bad things happen to good people? And we can’t deny sometimes that we do question GOD. Parang naiisip natin na Life is unfair.

But you know what, those answers, those questions. We can find the answers on the Bible itself.

Ano ba ang sinasabi ng Diyos sa atin.  Sabi sa

Romans 8:28 (NIV)

And we know that all things work together for good to them that love God, to them who are called according to his purpose.

Sabi sa Tagalog:

At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay magkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga’y niyaong mga tinawag alinsunod sa kaniyang nasa.

Boom. Ganoon pala yun.

All things work together. Lahat pala yan ay magkakaugnay at umaayon based on God’s design. We can take medicine as an example.

Bago kasi maging gamot ang isang gamot, dumadaan yan sa proseso. Lahat ay akmang akma at tamang tama ang pagkakahalo ng mga chemicals na angkop dito. Dahil kapag napasobra ang isang chemical, lason ang labas nito. Kahit pa nga yung mga gamot na mismo, masama rin ang epekto kung mali o sobra ang pagkakainom o injection. Kaya nga may mga nagiging gulay o napaparalisa kasi nga, na-o overdose.

So ganyan din ang buhay Kristiyano. We all know that we are not free from suffering, from pain, from heartaches. Kahit halughugin natin yung Bible, walang verse na nagsasabing ganyan. The thing is, LAHAT ng pain, happiness, failures and success, all these work together for good. The key word is TOGETHER. Parang kape yan, walang kwenta kapag isa isa mong tinitikman. Subukan mong isubo ang isang kutsarang kape, tapos saka mo isunod ang asukal. Tapos yung creamer. Tapos saka ka uminom ng tubig at lumundag at gumiling-giling. Para kang sira-ulo pag ganoon. Dapat tinitimpla, kinukuha ang lasa para mas masarap.

This is how we are continuously molded by God. Not by happiness alone. Not by success alone. Kasama diyan yung mga times na mababang mababa ka at punung puno ng problema. Kasama diyan yung mga oras na walang wala kang pera at wala ka ring mautangan. These are the experiences which teach us lessons on how we can become better and stronger people, more matured Christians. And in this way, mas nagiging malalim yung outlook natin sa buhay, yung relationship natin sa Diyos.

Ganyan kumikilos ang Diyos sa buhay natin. Minsan pa nga, naso-surpresa tayo on how good our God is. Yung tipong sunod-sunod ang blessings. Minsan naman, sunod-sunod din ang problema. Sabi nga, When it rains, it pours.

Narinig nyo na ba yung phrase na Blessing in Disguise? Eto naman yung mga pangyayari sa buhay natin na akala natin e napaka-malas natin. Pero, yun pala, God has His own reasons on why he allowed those things to happen. There are things na nawawala sa kamay natin. We lose some things or persons na mahalaga sa atin. Tapos mare-realize natin, God just wants to empty our hands so we can grasp bigger things. May mas maganda pala siyang plano. Ganyan kabuti yung Diyos.

Let us remember the life of Joseph the Dreamer. Alam naman natin yung mga pinagdaanan niya, na inapi at ibinenta siya ng mga kapatid niya. Naging alipin at naging bilanggo. Yun pala, he has to experience all those hardships so he can become powerful and fulfill his purpose.

Pero, ngunit, subalit, datapwat…

Sabi ng later part ng verse sa Romans 8:28, to them that love God, to them who are  called according to his purpose.

It means this verse is a promise. Eto yung pangako ng Diyos sa lahat ng tinawag niya at sumusunod sa kanyang mga aral. Our God is a just God. Mahal tayo ng Diyos but that doesn’t mean na ibibigay lang niya yung Good sa atin basta-basta, the condition is we should obey His commandment. We have to work hard for this promise. Para ito sa mga tinawag niya at tumutugon sa Calling na ibinigay niya.

At kung mas lalaliman pa natin ang pag-unawa sa verse na to, ang ibig sabihin pala nito ay hinuhulma tayo ng Diyos to be like Him. All things work together for Good. At ang Good dito ay tumutukoy sa buhay na kawangis niya. Upang pagyamanin pa yung spiritual life natin. Sa Eternal Life with Him. Eto yung totoong kahulugan na nais ipahiwatig sa atin ng Diyos.

When I was in college ako, isang debate sa klase ang naganap. Sabi ng iba kong kaklase, life is what we make it. May punto nga naman. Nasa ating kamay daw yung mga mangyayari sa atin sa bukas. May choice daw tayo kung anong hakbang ang dapat nating gawin, ang daang dapat nating tahakin. May ilan naman akong kaklase na nagsasabing ang lahat ng pangyayari ay nakasulat na. Na kahit sanggol ka pa lang at walang muwang ay mayroon ka ng design na sinusundan. Na lahat ng pangyayari ay hindi aksidente lang o pagkakataon.

In our lives, we will always be bombarded by different challenges. We will always be facing and continuously raise questions. Kasi nga, ang buhay ay isang malaking palaisipan and sometimes, really unfathomable.  And if those times come, when we are in the midst of doubt, try to remember ROMANS 8:28.

Advertisements

60 thoughts on “Palaisipan

  1. may sagot ako dito..

    2. Isang araw, inihatid ng doktor ang kanyang teenager na anak sa sasakyan papuntang paaralan. pagdating niya sa hospital na kanyang pinaglilingkuran, kinailangan niya agad pumunta sa emergency room dahil may teenager na nagkaroon ng car accident. Nagulat ang doktor nang makita niyang anak niya ang nakaratay sa nasabing silid. Bakit hindi man lang nagalusan ang doktor at nagulat pa ito nang makita ang anak?

    Patay na un doktor, di niya lang alam. o di niya matanggap sa bilis ng pangyayari.

    3. Dalawang mag ama ang namimingwit sa tabing ilog isang hapon. Nakahuli sila ng tatlong malalaking isda at siyang ginawa nilang hapunan, tig-iisang piraso. Paanong nagkasya ang tatlong isda sa dalawang mag-ama?

    dalawang mag-ama means, LOLO at yung anak niya na may anak na rin. kaya dalawang mag-ama. tama ba?

    hmmm.. di ako makapagdebate kung choice o fate basta…

  2. ung una, tama… pandak xa.

    ung pangalawa… madami posibilities dito. either ibang anak nya ung naaksidente. i pwede din ung car aksident eh nung naihatid na nya ung anak nya, nasagasaan. hindi lang naman ung nakasakay sa kotse pwede mainvolve sa car accident.

    ung pangatlo… tama ulit ung shynyrd… lolo, ung tatay, at bata (2 sets ng mag ama)

    ung pang apat… sinisinok ung binata ng pumasok sa bar. ginulat xa ng mama. nawala ung sinok nya kaya xa nagpasalamat.

    =P i like riddles a lot… sharpens the mind…

  3. hmmmm….
    ang lyf ay malaking palaisipan..
    peo with god by your side…
    siguro nmn magiging storng k..
    at malalaman mu lht ng sagot..
    kng ndi man nabigay agd..
    cguro da2ting ang right tme..

    weeeeeiii..
    aq b nagsabi nun???
    hahaha…

    godbless…

  4. syrish^-^ :
    hmmmm….
    ang lyf ay malaking palaisipan..
    peo with god by your side…
    siguro nmn magiging strong k..
    at malalaman mu lht ng sagot..
    kng ndi man nabigay agd..
    cguro da2ting ang right tme..
    weeeeeiii..
    aq b nagsabi nun???
    hahaha…
    godbless…

  5. Db sbe d2, “inihatid ng doktor ang kanyang teenager na anak sa sasakyan papuntang paaralan.” — sa sasakyan papuntang paaralan so puedeng sa school service nya hnatid ung anak nya or sa sasakyan kung san nki’sbay ung anak nya . Hnde nman kc cnabe na sa skul nya hnatid ung ank nya eh .. 😛

  6. Isang araw, inihatid ng doktor ang kanyang teenager na anak sa sasakyan papuntang paaralan. pagdating niya sa hospital na kanyang pinaglilingkuran, kinailangan niya agad pumunta sa emergency room dahil may teenager na nagkaroon ng car accident. Nagulat ang doktor nang makita niyang anak niya ang nakaratay sa nasabing silid. Bakit hindi man lang nagalusan ang doktor at nagulat pa ito nang makita ang anak?
    Ito sagot ko:dahil inihatid lang nmn nya sa sasakyan hindi nmn sya sumama sa anak nya.

  7. ung sa # 4… marahil water gun ung na tinutok sa kanya…. tapos un ang dahilan kya nakainom sya o kung anu paman ang purpose nya dun sa tubig ……edi tama nga namang magpasalamat sya…..dba????

  8. Dalawang mag ama ang namimingwit sa tabing ilog isang hapon. Nakahuli sila ng tatlong malalaking isda at siyang ginawa nilang hapunan, tig-iisang piraso. Paanong nagkasya ang tatlong isda sa dalawang mag-ama?

    sagot dyan eto: dalawang mag ama yan ibig sabihin dalawang magtatay apat sila bali
    tagisa ung dalawang magtatay tapos hati naman ung dalawang bata…..

  9. i think tama cla ..
    sa no. 1 maliit lang ung lalaki..so hanngang 6th botton lang ang abot nya..sa gabi wla na syang mga ksby na papakisuyuan nyang pumindot papuntang 15th floor..and ang purppose nga ng payong ay gmitin bilang pampindot,,hehehe
    sa no. 2 maybe becoz hnatgid lang nya ito sa sasakyang maghahtid sa anak sa paaralan den naaksidente ung cnasakyan ngn teenager d alam ng soctor kea un.nagulat sya
    sa no. 3 2 mag ama panu pinagkasya ung 3 isda??hmmm i think 2 mag ama means ang ksama dun ehh ung lolo at ung ama ng bata at ung bata.unang set ehh lolo at tatay ng bata at ung bata at tataynya hehe ang gulo.so bali 3 lang sila kea kasya ung isda
    sa no. 4 un n nga ngulat ung binata shil bigla nlang syang tinutukan so nwala ung sinok nya..dbah nga kpag gnugulat oh tnatakot ang taong me sinok natatanggal ang sinok hehehe…just a thought…

  10. 2.
    kasi hinatid lng naman niya yung anak niya sa sasakyan papunta sa paaralan, hindi nmn siya yung naghatid. at nang pumunta na cya sa hospital, nkita niya ang anak niya na na aksidente dahil sa isang car accident.

      1. hindi ko ina-advice sa iyo yung special ng national geographic tungkol sa impluwensya ng mga extra terrestrial sa religion throughout human history…not for the weak in faith 🙂

        pasensya na, ser lipadlaya at dito kami naghuntahan ni ginoong cheese hehe comment ka na lang kung gusto mo sumali haha

      2. marami nga akong nabasang magagandang reviews about dito so definitely this film will be on my list of my Must watch this weekend…. at parang gusto ko ring basahin yung libro nito…

  11. 1. maaring may tsiks sya sa 6th floor, dumadaan muna sya dun bago sya umuwi sa 15th floor
    2. yung isa nyang anak ang naaksidente, bakit hindi nagalusan? siguro ay hindi ganon kagrabe ang aksidente. (hula lang) at trip lang ng anak nya na humiga dun
    3. nag jack en poy sila kung sino ang maliit ang parte na uulamin
    4. (walang idea)

    God always answer our prayer, but sometimes, His answer is no 😀

    1. yung mga sagot sir,, nasagot na ng ibang nag comments. And you are right. God answers our prayers. Though hindi palaging yes according to our will, but his “NO” means he has greater plans for us…salamat ulit sa pagdaan..

  12. hello, lipadlaya… nag-nosebleed ako sa early part – kako, ba’t ang daming plots ng post nya? ahaha. tapos, nagustuhan ko na ang gitna, ang homily, hehe. btw, di ako masyadong religious, kapatid, ha… i was, though. dumaan din sa years na very devout ang lola. na-moderate na, i guess… but then, overall, gusto ko ang himig ng sermon ni father LL, hehe. at higit sa lahat, marami nang English sa may bandang dulo, hakhak. sabi na, gumigimik ka lang, marami kang English na nakatago up your sleeves, hahaha…. hope things are well. salamat sa dalaw and regards… 🙂

  13. 1. maliit ung tao hinde nya abot pindutin ung key sa 7th floor-15th floor.pero maabot ng ibang kasabay nya n mas mtaas s knya.pagpababa cia mppindot nya ing 1 or ground floor key.kpag umuulan mggmit nya ung payong pagpindot kng me dala cia.
    2.maaring 2ng teenager ang anak ng doctor,ung isa yung hinatid nya at meron p ciang isang anak or dahil hinatid lng nmn nya sa sakayan at sa ibng sasakyan cia sumakay.
    3.tungkol sa dalawang mag-ama.meaning tatlo cla- lolo,anak at apo (kung tutuusin 2 yung ama at 2 din ang anak)gets mo?pero 3ng tao lng cla,kya kasya n tig-1 sila sa 3ng isdang huli.
    4.sinisinok ung binata,imbes na hihingi cia ng tubig para mawala ung sinok nya hinde n nya nagawa kc me tumutok s knya ng baril,nagulat cia at nawala n yuing sinok nya at nagpasalamat sa nanggulat s knya.
    tama po ba?

  14. dun sa number @ ung sa doctor…
    sabi : HINATID nong doctor yung anak nya sa SASAKYAN papuntang paaralan… so meaning HINDI UNG DOCTOR ANG NGHATID MISMO SA PAARALN KAYA HNDI XIA KASAMA DON S CAR ACCIDENT..
    haha.. huLA2 LUNG 😀

  15. i know the answer sa no. 4 po.
    kasi po yung binata sinisinok kaya siya humihingi ng tubig. then nung nag paputok ng baril yung isang mama, nagulat siya kaya nawala yung sinok niya.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s