Bertdey giph

Gusto ko sana ipost ‘to na tipong parang komiks strip lang, kaso baka, Pasko na ulit bago ko ito makuwento kaya ganito na lang,,

Mga limang araw bago yung bertdey ko…Nakahiga kami sa kama, hehehe. Parang mga pusang naglalampungan lang sa bubong yung eksena.

Bebe ko: Beb, lapit na birthday mo, a… Ano gusto mo gift?

Ako: Gift? Wag na.. magpakabait ka na lang,, hehehe

Bebe ko: Wag ganun.. To naman,,, ang hirap nun a,,, materyal na bagay na lang…

Ako: Owkies…

Toinks… ganyan lang.. Sabi sa inyo, e… Mas maganda kung Komik Strip ‘tong post na ‘to..

Major Major

 Breathtaking situation happened yesterday, August 23, 2010 at Quirino Grandstand, Manila Philippines after an ex- Police senior inspector Rolando Mendoza, took 25 people hostage aboard a bus including 22 Hong Kong tourist, a Filipino driver, a Filipino tour guide and Tse, the tour’s Hong Kong tour guide.Noong Agosto 23, nasaksihan ng buong mundo ang hostage drama sa Pilipinas at ang Miss Universe pageant sa Las Vegas. As of today, wala pa ring inilalabas na rating ang AGB at TNS/Kantar kung alin ang mas tinutukan ng nakararaming Pinoy.

*****

San Pedro: What is one big mistake that you did in your life?

Mendoza: Siguro yung panghohostage po ng mga turista sa Pilipinas?

San Pedro: and what did you do to make it right?

Mendoza: Yun nga po e, they did not give me a chance.

*****

Nainterbyu na rin ang ilan sa mga survivor ng hostage drama. Ang unang tanong daw sa kanila ay “Anong channel ang pinanood nila sa bus?”at ang second question daw ay “What is one big mistake that you did in your life and what did you do to make it right?”

*****

Sabi ng iba, dapat daw ang isinagot ni Venus Raj sa tanong sa kanya ay ang paghahanap sa father niya para mas personal. Sabi ko naman, dapat World Peace na lang.

*****

Q: Ano sa tagalog ang Major Major?

A: E ano pa, e di bongang- bongga.

Q: Ano daw paboritong Constellation ni Venus?

A: e di Ursa Major.

Q: Sino daw paboritong artista ni Venus?

A: E di si Major-ie Barreto.

Q: E ano daw part time job ni Venus?

A: E di Majorette.

Q: Ano daw favorite movie ni Venus?

A: E di Major Payne.

Q: E favorite sports?

A: Baseball.

Q: Ha, Bakit?

A: Kasi Major League.

*****

Hindi sana tatagal ng halos 12 oras ang hostage drama last Monday kung nakialam lang sana si Bong Revilla o Robin Padilla. Sige na nga, pwede na rin si Lito Lapid.

*****

Major Problems sa Imahe ng mga Pulis

3. Yung image nilang mangongotong

2. Yung image nilang di makatao (o pagtotorture)

1. Yung image nilang walang alam sa paghandle ng hostage crisis

*****

New Meaning of SWAT

SWAT – Sorry Wala Akong Training

SWAT – Sugod. Wait. Atras. Tago

*****

Bakit kailangang magsisihan?

Sinisisi ng publiko ang pulis sa kabagalan at kawalan ng mahusay na plano sa nakaraang hostage taking noong nakaraang Lunes. Sinisisi ng pulis ang media dahil sa pagbibigay ng blow by blow na account dahilan para malaman ni Rolando Mendoza ang ginawa sa kanyang pamilya. Sinisisi ng ilan ang gobyerno sa pananahimik sa panahon ng kaguluhan. Sinisisi nila ang drayber dahil pinapasok niya ang hostage taker sa bus. Sinisisi ng mga nasa bahay na nanood ng coverage ang mga usisero at usisera sa Quirino. Nagsisisi marahil ang mga turistang nalagay sa napakapanganib na sitwasyon kung bakit sa Pilipinas pa sila nag tour.Hindi natin magawang sisihin ang hostage taker na nagsimula ng lahat. Kailan man, hindi karahasan ang sagot sa problema. Ganyan ang Pilipino, hindi naninisi ng patay.

*****

Seryoso Mode.

Kasaysayan na lang ngayon ang lahat. Maraming tayong natutunan sa nangyaring hostage taking ng mga turista na hangad lang ay makita ang ganda ng Pilipinas. Nalaman natin ang kakulangan ng pulisya at gobyerno sa paghawak ng ganitong kaso. Nabatid natin na may masamang dulot din ang pagkakaroon ng blow by blow account sa ganitong sitwasyon. Ngayong natukoy na natin ang ating kahinaan, ano ang susunod nating hakbang?

Nakapanghihinayang na hindi nakuha ni Venus Raj ang naturang korona sa Miss Universe Pageant. Nakapanghihinayang na hindi niya nagamit ang wikang sarili na malamang naglagay sa kanya sa kasaysayan. Anu’t anu pa man, binabati pa rin natin si Venus. Ang panalo niya, bagaman may bahid na pangungutya ay dumating sa panahong kailangan ng Pilipinas ng panghilamos sa maduming mukha noong Agosto 23.

Hanggang sa susunod na laban ng Pilipinas, sa kagandahan man o kaguluhan!

Peace sa Kubeta

Naranasan mo na bang magkasagutan kayo ng ka opisina mo dahil sa isang walang kakwenta-kwentang bagay tulad ng stapler? Bad trip no?

Dumating na ba yung time na habang nakaupo ka sa trono at nagdedeposito ng mabahong kayamanan habang kumakanta ng birit na “I don’t wanna miss a thing” e biglang bumukas ang pinto ng cubicle?

At ang walang modong biglang nagbukas ng pinto ay ang nakaaway mo?

Hahaha. Naranasan ko yan sa loob ng isang araw. At parehas kaming natawa. Gago daw ako kasi hindi ako nagsara. Sabi ko naman, gago siya kasi di siya kumatok…

Pero dahil dun nagkabati kami.

See? Kahit sa ganoong mga embarassing moment, me maganda pa ring kalalabasan…. Hahaha.

Lakayisms

Kasamahan ko dati si Lakay dun sa South Korea. Natatawa kasi ako pag kinakausap niya ng inglis yung mga kasama naming Koreano…

Syempre, di ba hindi naman marunong mag-inglis yung mga tao sa kimchiland kaya dumudugo yung ilong nila pag kausap si Lakay.

Tabang Koreano: (Kunwari koreano tong salita) Hoy, lakay, gawin mo na yung trabaho dun. Wag kang aalis hanggat di tapos yun a.

Lakay: What? JUST ONLY ONE ME?

eto pa…
Sabi kasi nung sajangnim namin, kelangan daw alam namin lahat yung pasikot sikot ng trabaho.
Banat ni Lakay,

Yes, yes, we will turn around all the work…

Hahaha. Pero wag ka bilib na bilib sila ke Lakay mag-inglis… Kami namang mga Pinoy, tawa nang tawa sa kanyang mga Lakayisms…

Batanggenyo Ka Ba?

Reporter: Lo, Pakisalaysay po ng nasaksihan niyong vehicular accident…

Lolo: Ako’y nakaungkot laang dine at ako’y nagitla sa busina. May mag-inang hasing-hasi
pa ng paghihikap ay gab-eng gab-e na. Bakingga aring dyip ay saksakan ng tulin?
Ay di ako’y palakat na sa mag-inang di naiingli. Aba’y maiipit na’y nakaumis pa e.
Kainaman na! Sa pag-iwas ng dyip ay sumalya sa tarangka, tiklap ang tapaludong
lasa ko’y kawangki ng kiche! Kabugnot ng drayber, ngalngal e.

Hahaha. Masarap talagang pakinggan ang mga batanggenyo!!

Kalabaw

Bf: Babes, sinapak ko yung nakasalubong ko kanina. Bad trip, sabihin ba naman akong mukha
akong magsasaka pag katabi kita.

Gf: Sabi niya yun? Hihihi. (blush) Huwag ka na magalit, babes. Marangal naman magsasaka e.
Bakit na niya nasabi yun?

Bf: Kasi mukha ka daw KALABAW!!

Gf: Asan yung lintik na yun? Asaaaaaan??????!!!

Hahahaha

A CORY Story

Nanonood kami kanina sa TFC nung burol ni Tita Cory. Nagtanong yung bunsong kapatid nung gf ko ng,,

BAKIT PO LOSER YUNG MGA KAMAY NUNG MGA TAO SA BUROL?

Tambling talaga ako dito.. HAHAHAHA

Kaya kung sakaling nagbabasa kayo, Angelina at Yaya. Kayo na ang sumagot…

Pavarotti

Actually, matagal na tong kwentong to pero natatawa talaga ko pag naalala ko. Sakay kami noon ng isa kong kaibigan sa bus dun sa Korea.

Ako: Pare, patay na pala si Pavarotti, no?

Parekoy: Yun ba yung leader ng Abu Sayyaf? Buti naman…

Ako: Hindi pare. Siya yong hostage…

Hahaha. Isipin mo na lang kung siya nga ang leader ng Abu. Malamang siya si KA Lucio. Hahaha.