“Mamang Sorbetero, Tayo’y sumayaw
kalembang mong hawak muling ikaway
batang munti, sa yo’y naghihintay
bigyang ligaya ngayong tag-araw”
Sa tuwing maririnig ko ang kantang Mamang Sorbetero na pinasikat ni Celeste Legaspi, ang unang pumapasok sa isip ko ay ang Mamang Sorbeterong aking kakilala, ang sorbeterong aking nakagisnan at tunay na hinahangaan.
Ganito parati ang kanyang porma. Nakasuot ng t-shirt na manipis, kupas na pantalon, may nakasabit na “Good Morning Towel” sa balikat, nakasombrero at nakasuot ng Dragon na tsinelas. Syempre, parati rin siyang nakangiti habang nililibot at inilalako ang tindang sorbetes sa buong Batangas City.
Grade six lang ang natapos niya pero talagang iginagalang siya sa kanilang nayon. Nahalal pa nga siya ng ilang beses bilang kagawad at talaga namang magaling makisama at palakaibigan.
Mabait na ama ang Mamang Sorbeterong kakilala ko. Kapag may mga nakikita siyang laruan o gamit sa iskul na itinapon ng mayayaman at sa tingin niya ay pwede pa, inuuwi niya ito para sa kanyang mga anak. Natawa pa ako minsan nang magdala siya ng robot na putol ang isang kamay o kaya ay payong na bali ang isang tadyang. Kaya niyang remedyuhan ang mga iyun para sa kanyang mga anak. Todo rin ang suporta niya sa paligsahang sinasalihan ng mga anak. Kasama ang kanyang kabiyak, nililibot nila ang buong baryo para manghiram ng mga gamit sa eskwela.
Noong bata pa ako, sabi ko sa sarili ko… Gusto kong maging kagaya niya. Mahilig kasi ako sa ice cream. Naisip ko na oras-oras o kahit kelan ko gustuhin, makakakain ako nito. Kaya nga, tuwang-tuwa ako tuwing graduation o fiesta kasi ice cream yung handa namin sa bahay at talaga namang dinadayo kami ng mga tao.
High School na ako nung pakiusapan niya ako na sumama sa pagawaan ng ice cream. Hindi para magresearch kundi para kami ang magdeliver ng mga order na ice cream sa aming baranggay. Nakita ko kung paano ang hirap niya sa trabaho kaya lalo akong humanga sa kanya. Talagang mahal niya ang pamilya niya.
Kaaway niya ang ulan at bagyo. Iyun kasi ang humahadlang sa kanyang trabaho. Naaawa ako sa kanya kapag isang linggo siyang hindi nakapaglako ng ice cream. Kaya kapag ganoong mga panahon, taimtim akong nagdarasal para sumikat ang kaibigan niyang araw.
College na ako pero sorbetero pa rin siya. Noon ko naisip, ayokong maging kagaya niya. Mahirap ang trabaho at kulang ang kinikita para sa pamilya. Maghapong naglalakad sa mga kanto ng Batangas City. Idagdag pa ang matinding init ng araw. Hindi ko kayang gawin ang mga sakripisyo niyang ganoon.
Pagkatapos ko ng college, hindi ko na siya nakitang naglako ng ice cream. Tumigil na siya dahil medyo may katandaan na. Isa pa, ilang anak na niya kasi ang may trabaho at nakakatulong na sa pagtaguyod ng pamilya. Panahon na rin iyun upang suklian ang kabutihan niya bilang ama.
Alam mo ba kung bakit lubos kong hinahangaan ang Mamang Sorbeterong kakilala ko?
Sapagkat siya ay aking AMA. Siya si Ka Aloy, ang tatay kong sorbetero.
naks naman
hahah
may pictorial kay manong sorbetero…
pinakyaw nyo sana lahat
😀
huhuhu natatats ako sobra….
isang mamang sorbetero na bumuhay sa inyong lahat..
huhuhuuuh
nakakatats talaga…
pakilala mo naman ako kay papa mo
hehe. proud talaga ako sa tatay ko…
oo ba… me handa pang ice cream!!!
oh siyettt…napamura ako sa ending, nabigla ako sa ending. di ko akalain na sya pala ang iyong ama. hanga ako sa kanya, lubos na humanga. ang galeng no? kita mo nga naman ang pagsisikap nya maitaguyod lang pag-aaral at kabuhayan nyo, kudos for that. galing ng tatay mo. at ito pa, di ka nahiyang sabihin na sorbetero ang tatay mo.hanga din ako sau. ano bang pwedeng mairegalo ko sau, wala…dagdag na lang kita sa blogroll ko.
salamat….
kapag nakakakita ako ng dirty ice cream vendor, nakakakita ako ng isang mapagmahal sa pamilya. Tunay silang kahanga-hanga….
hello there, just dropping by…checking you out, very impressive ang site mo, with professional look ah, bongga, di ko kaya yan.babalik ulit ako, salamat sa iyong pagdalaw
Hi! For all the Batangueno Bloggers, If you are interested, SM City will be having Blogging Contest this coming Friday, Sepetember 11,2009 at SM City Batangas and SM City Lipa on September 19,2009!
If you want, you may see the WowBatangas Fan pages on Facebook.
a) WOWBatangas.com
http://www.facebook.com/pages/WOWBatangascom/128882273642
b) SM City Batangas on WOWBatangas.com
http://www.facebook.com/pages/SM-City-Batangas-on-WOWBatangascom/272652030569
c) SM City Lipa on WOWBatangas.com
http://www.facebook.com/pages/SM-City-Lipa-on-WOWBatangascom/130179379893
d) Models.WOWBatangas.com
http://www.facebook.com/pages/ModelsWOWBatangascom/133197162848
Thank You very much!
More power to you!
kahanga-hanga ang iyong tatay!
oo naman. proud na proud ako sa kanya….
Pinupuri ko ang sakripisyo ng magulang mo at natutuwa rin naman ako dahil kitang-kita ang pagpapahalaga ninyo sa mga sakripisyo nila. Nawa ay apatuloy kayong bigyan ng biyaya ng panginoon.
Salamat sa magandang istorya.
salamat sir.. di talaga matatawaran ang sakripisyo ng magulang sa mga anak…
tatay ka na di ba? alam ko, ipinagmamalaki ka rin ng pamilya mo…
i was not expecting the very surprising twist in the end.
as i always say, there are only few posts which make me so touched when i read them…and this is one of those. i have been blog hopping for around five hours (not consecutive) today but this is only the third post which made me teary-eyed. kudos.
regards to ka aloy..he’s agreat dad for sure. :p
woi, binisita ako ng mga big time… katuwa naman.. ikaw at si axe, hehehe. 3 kayong idol ko, isama mo si maldito… kaya, salamat po uli…
bro, amazing, .. he’s the best tatay in the world…
gling ni tatay no?! proud ako sau tatay!!!! mahal ka nmin…
may kanya-kanya talagang qualities ang mga tatay na hinding-hindi natin pinagpapalit. 🙂
naalala ko tuloy ang tatay ko sa kwento mo…ngayon alam mo na ang hirap at pagpupunyagi nila sa buhay para lang mairaos tayo..saludo sa iyong ama!
dakila talaga yung mga ama natin, no? nawa’y maipasa natin yung kadakilaan nila sa ating mga magiging anak..
Ang babaw ng luha ko basta ama pinag-uusapan.. 🙂
You should be really proud if him…
[…] sa patuloy mong paglalayag sa dagat ng buhay ay manatili sa iyo ang mga pangaral ng Inay at Tatay. Ikaw ang kapitan ng buhay mo. Andito kami para laging gumabay sa iyo. Andito kaming sampu mong […]