Ang Paglalayag ng Balangay

Patuloy na naglalayag ang balangay ni Juan

Sa pagsagwan sa dagat ng kaunlaran

Sa rutang itinatak ng mga dambuhalang

Nagpadala ng mga robot sa buwan.

Limampung sagwan, limampung kabig-tulak,

Sampung hiyaw at apat na banat

Kasama ang di na rin mabilang

Na tabsak nitong tubig-alat.

Pagkatapos ng dantaong lagas ng kasaysayan

Pagkatapos ng pagbubo ng dugo at laman

Ng mga naunang kaluluwang nagtimon ng daan

Upang sugpuin ang kamandag ng mga buwitreng dayuhan

Ang lupon ni Juan – patuloy pa ring nakikipaglaban

Sa laya at alpas mula sa tanikalang nilikha ng iilang

Kaparis rin niyang kayumanggi ang balat.

May Indiyong lumipad sa ibayong dagat

Tiim-bagang nilisan ang butas niyang pugad

Baka sakaling sa ibang lupain

Naroon ang palay na isusubo sa mga kaawa-awang bibig.

At ang balangay ni Juan – labinlimang ulit nagpalit

ng kapitang may pangakong bukang-liwayway

sa sambayanang gutom ang sikmura at uhaw sa pagbabago

(ngunit hindi salat sa likas-yamang taglay)

Patuloy ring naghihintay ng katuparang paraiso.

Ang balangay ay inuga ng pagyanig

At itinaob ng bahang delubyo ang hatid

At inilugmok ng pagkakahiwalay, ganid at ligalig

At demokrasyang patuloy na ginigipit.

May araw na sakay ng panandaliang ulap

Ang ilang Malayong naghatid ng ngiti’t halakhak

Nagmarka ng mapa sa mundo – ng galing at tanyag.

Pag-angat – kapit-kamay na inaapuhap.

Taas-noong sumisigaw at nag-aanyaya

Upang matikman ang sarap at ligaya

Na hain at alay nitong higit pitong libong sisidlan

Na biyayang isinabog nitong kalangitan.

Dadaan ang araw, ang buwan, ang taon

At ilan pang dantaon

Ngunit ang balangay ay patuloy na maglalakbay

Gaya ng kawayang sumasayaw sa ihip ng hangin

Gaya ng kalabaw sa maputik na palayan

Gaya ng narrang sinusubok ng panahon

Gaya ng agilang pumapailanlang

At ang balangay ni Juan ay patuloy na maglalakbay

At sasagwan

At maglalayag

At gagawa ng bagong daan

Patungo sa inaasam na kaunlaran

At magdidikta ng bagong rutang patungo sa buwan.

____

Lahok sa Saranggola Blog Awards

17 comments

  1. hello, lipadlaya… makapangyarihan ang mensahe at mga salita mo rito, kapatid. wari ang premises ay ang mga sumusunod – tama kaya? hehehe…

    may isang balangay o nation na cohesive
    may isang vision ng pag-unlad na nais matamasa ang mga kasapi
    may isang balakid, ang pananaig pa rin ng mga mananakop (parang implied, American imperialism)
    patuloy na sasagwan para sa isang masaganang minimithing bukas

    isang araw pagdebatehan natin. sabi-sabi ay questionable na ang premises na binabanggit. iba na raw ang ng imperialism these days although given naman na nais pa rin ng US na sila ang manaig sa Pacific. sa academe, pagpasok ng globalism as a thought (90s), kinwestyun na ang imperative and chance na may maabot pa ang so-called nationalist movements. kung sa philippine setting, malabo ito – what we have these days are small sporadic protest groups and disparate advocacies. nation-building side by side with the pursuit of development should focus more on bringing out the productive forces (resources and manpower) to its optimum daw. but the question of bringing it all together and in a concerted way has always been problematic, sabi… ayon, mga ganoon… ^^

    anuman, ramdam ko pa rin ang masidhing damdamin sa iyong panulat, kapatid. sana ay ayos ka at pati ang iyong mga minamahal… magandang hapon sa iyo… 😉

  2. sandali, kelangan ko ng bulak sa ilong. Binalinguyngoy naman ako sa comment mo..

    Ayan, medyo okay na..

    Naku, hindi ko akalain na masasaling pala ng tula-tulaang ito ang ideya ng imperyalismo.. Nabanggit lang ang dambuhalang nagpadala ng robot sa buwan sapagkat kung tutuusin, ang criterion pa din daw ng kaunlaran ay ang Amerika (bagaman unti-unting bumabagsak ang kalagayang pang-ekonomiya nito) at totoo man o hindi, ang narating ng Amerika ang estadong hinahangad pa rin ng maraming bansa. Ganun.

    Ang balakid marahil ay ang hindi pantay na lipunang dinodomina ng iilan. At ang paulit-ulit at paulit-ulit na pangyayaring, kahit ilang beses magpalit ng gobyerno, ay nanatiling usad pagong ang economic status ng bansa.

    Totoong may pag-asa, Sa sama-samang pagsagwan, kahit ilang karagatan pa yan, sasagwan pa rin naman ang Pinoy.

    Kamusta din po, ms. Susan…

    • hello, lipadlaya, Irwin (tama ba?)… haha, binalinguyngoy talaga, kainaman na…

      well, actually, if imperialism persists as a major problem today, may maganda ring magagawa, in a sense. kung mayroon talaga… kasi kung meron, inevitable na may anti-imperialism movement na mabubuo and always, pag ganyan, broad and across sectors ang unity. kumbaga, may nape-perceive na common enemy and may common goal (labanan).

      but then, hindi na yata ganoon ka-overarching ang imperialism as a social problem sa atin. if that’s the case, mamomroblema talaga alinmang grupong namumuno. kumbaga, how does one build unity, how does one rally a nation towards a common goal kung walang perceived and clear enemy? medyo mahirap…

      kung tutuusin, ang goals naman ng isang bansa usually economic development (enlarging the pie), social justice (democratizing access to public goods) and reducing the poor ( creating employment opportunities and livelihood programs, infrastructures and basic education). but these are not achieved easily, for some reason…

      mahabang discussion ang mga ito… ang isa, paano iti-timon ang elites towards those goals. the other, paano imo-mobolize and i-inspire ang middle class and the mass in general para ma-align sa goals na minimithi. bukod pa, siyempre sa programs and projects that would ensure na working plans ang visions. mga ganoon… ^^

      ahaha, kuha ka uli ng panyo, kapatid… 🙂 oy, wala na uling bagong post ang isa ryan, hihi. regards, kapatid. 🙂

      • kamusta po, napag-utusan lang po ako ni lipadlaya.. wala pa kasi siya dito, nagpunta po siya ng blood bank,, naubusan na daw po siya ng dugo… kasalanan niyo daw po,,,

        hahaha…

        tama ka,, napakahabang diskusyon nga, kung tutuusin ang pagkilos na ganoon. Kahit ang konsepto ng unity, malabong ilatag patungo sa improvement ng pamumuhay sa bansa. Kasi nga, ano nga ba ang bond o common goal na nagbubuklod. Halimbawa niyan ay ang paulit-ulit at di pagkatuto nating mga Pilipino sa kung sino ang iluluklok sa pwesto. At naku, ang pagtampisaw sa ganitong mga isyu ay limitless dahil nga, nanganganak nang nanganganak ng mas malaki o mas malalim o pwede ring mas mababaw pang mga isyu. Kumbaga, parang kumukuha lang tayo ng bagong saing na kanin, at ilang sandok pa ang kailangan para matukoy ang tutong.

        Ms. San, magandang araw din,, uy, me nasagap akong balita tungkol sa ‘yo.. Sinoli na pala sa yo ang dati mong blog.. Yahoo.. party-party!!!

      • ahaha, sa bloodbank talaga? balibagin kaya kita ryan, try lang, hahaha… ^^

        o, sige, sa isang araw na ang dugtong ng limitless na diskusyon… salamat sa pagbati sa revival ng dpsa, kapatid. ubos na ata ang handa, pero may pakape pa roon, ahaha. daan ka minsan. good day, kapatid 🙂

Mag-iwan ng puna